Surah Al-Araf Ayahs #94 Translated in Filipino
وَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَئِنِ اتَّبَعْتُمْ شُعَيْبًا إِنَّكُمْ إِذًا لَخَاسِرُونَ
Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi (sa kanilang pamayanan): “Kung inyong susundin si Shu’aib, katiyakang kayo ay magiging mga talunan!”
فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ
Kaya’t ang lindol ay lumagom sa kanila, at sila ay walang buhay na nakahandusay sa kanilang tahanan
الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۚ الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَانُوا هُمُ الْخَاسِرِينَ
Sila na nagpabulaan kay Shu’aib, ay nangyari, na wari bang sila ay hindi nagsipanirahan doon (sa kanilang tahanan). Ang mga nagpasinungaling kay Shu’aib, sila ang mga talunan
فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ آسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍ كَافِرِينَ
At siya (Shu’aib) ay bumaling sa kanila at nagsabi: “O aking pamayanan! Katotohanang aking ipinaabot ang mga mensahe ng aking Panginoon sa inyo at kayo ay binigyan ko ng mabuting payo. Kung gayon, bakit ako magdadalamhati (sa pagkawasak) ng mga tao na hindi sumampalataya.”
وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ
At hindi Kami nagsugo ng propeta (na kanilang itinakwil) sa alinmang bayan, na hindi Namin sinakmal ang mga tao rito ng pasakit ng matinding kahirapan (o pagkawala ng kayamanan), at pagkawala ng kalusugan at mga kalamidad, upang sila ay maging aba sa kanilang sarili (at magtika kay Allah)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
