Surah Al-Araf Ayahs #72 Translated in Filipino
أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنَا لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ
Ipinararating ko sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon, at ako ay isang mapagkakatiwalaang tagapayo (o kapanalig) sa inyo
أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍ وَزَادَكُمْ فِي الْخَلْقِ بَسْطَةً ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
Kayo baga ay namamangha na mayroong dumatal sa inyo na isang Paala-ala (at isang payo) mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang tao sa inyong lipon upang kayo ay kanyang mabigyan ng babala? At alalahanin na kayo ay ginawa Niyang mga tagapagmana, makaraan ang mga tao (pamayanan) ni Noe, at kayo ay Kanyang pinarami na matataas (sa tindig). Kaya’t inyong alalahanin ang mga biyaya (na ipinagkaloob sa inyo) mula kay Allah upang kayo ay maging matagumpay.”
قَالُوا أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
Sila ay nagsabi: “Ikaw ay pumarito sa amin upang kami ay marapat na sumamba lamang kay Allah at iwanan ang sinasamba na kinagisnan ng aming mga ninuno. Kaya’t dalhin mo sa amin ang bagay na iyong ipinananakot sa amin kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.”
قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ
(Si Hud) ay nagsabi: “Ang kaparusahan at poot ay tunay na dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon. Nakikipagtalo ba kayo sa akin dahilan sa mga pangalan na inyong binanggit, - kayo at ang inyong mga ninuno, na walang kapamahalaan mula kay Allah? Kung gayon (kayo ay) magsipaghintay, kasama rin ako sa lipon ninyo na naghihintay.”
فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَقَطَعْنَا دَابِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ وَمَا كَانُوا مُؤْمِنِينَ
Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at Aming pinutol ang mga ugat ng mga nagpabulaan saAmingAyat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.), at sila ay hindi nananampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
