Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #9 Translated in Filipino

7:5
فَمَا كَانَ دَعْوَاهُمْ إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا إِلَّا أَنْ قَالُوا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ
walang anumang sigaw ang kanilang nasambit nang ang Aming kaparusahan ay sumapit sa kanila maliban sa: “Katotohanang kami ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan, buhong, tampalasan, atbp)
7:6
فَلَنَسْأَلَنَّ الَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنَّ الْمُرْسَلِينَ
At katiyakang Aming tatanungin ang (mga tao) na Aming pinadalhan nito (ng Aklat) at katotohanang Aming tatanungin ang mga Tagapagbalita
7:7
فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِمْ بِعِلْمٍ ۖ وَمَا كُنَّا غَائِبِينَ
At katiyakang Aming isasalaysay sa kanila (ang kanilang buong kasaysayan) ng may kaalaman, at katotohanang Kami ay nakatunghay
7:8
وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
At ang pagtitimbang sa araw na yaon (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay ang tunay (na pagtitimbang). Kaya’t sila na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ang mga matatagumpay (sa pagpasok sa Paraiso)
7:9
وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ
At sa kanila na ang timbang ay magaan, sila ang nagpatalo sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno), sapagkat kanilang ikinaila at itinakwil ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp)

Choose other languages: