Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #12 Translated in Filipino

7:8
وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
At ang pagtitimbang sa araw na yaon (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay ang tunay (na pagtitimbang). Kaya’t sila na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ang mga matatagumpay (sa pagpasok sa Paraiso)
7:9
وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ
At sa kanila na ang timbang ay magaan, sila ang nagpatalo sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno), sapagkat kanilang ikinaila at itinakwil ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp)
وَلَقَدْ مَكَّنَّاكُمْ فِي الْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ ۗ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
At katiyakang Kami ay nagbigay sa inyo ng kapamahalaan sa kalupaan at itinalaga Namin sa inyo rito ang inyong ikabubuhay (mga pagkain at pangangailangan). Kakarampot lamang ang pasasalamat na inyong ibinibigay
وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ
At katiyakang Aming nilikha kayo (ang inyong amang si Adan), at pagkatapos ay (Aming) ginawaran kayo ng hubog (ang marangal na hubog ng tao), at pagkatapos ay Aming winika sa mga anghel, “Magpatirapa kayo kay Adan”, at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga nagpapatirapa
قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ
(Si Allah) ay nagwika: “Ano ang humadlang sa iyo (o Iblis) upang ikaw ay hindi magpatirapa, nang ikaw ay Aking pinag-utusan?” Si Iblis ay nagsabi: “Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo mula sa liwanag (apoy), at siya (Adan) ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.”

Choose other languages: