Surah Al-Araf Ayahs #58 Translated in Filipino
إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ
Katotohanan, ang inyong Panginoon ay si Allah, na lumikha sa kalangitan at kalupaan sa Anim na Araw at Siya ay nag-Istawa (pumaitaas) sa Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan). Tinakpan Niya ang gabi ng araw (maghapon), na mabilis na nagsasalitan sa isa’t isa, at (Kanyang nilikha) ang araw, ang buwan, at ang mga bituin ay ipinailalim Niya sa Kanyang Pag-uutos. Maluwalhati si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang
ادْعُوا رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ
Panikluhuran ninyo ang inyong Panginoon ng may kapakumbabaan at sa lihim. Siya ay hindi nalulugod sa mga lumalabag sa pag-uutos
وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِنَ الْمُحْسِنِينَ
At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, matapos na ito ay maitalaga sa ayos, at inyong panikluhuran Siya ng may pangangamba at pag-asa. Katiyakan, ang Habag ni Allah (ay laging) malapit sa mga gumagawa ng kabutihan
وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَنْزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
At Siya ang nagpapadala ng hangin bilang pagpapahayag ng mabuting balita, na pumapalaot sa harapan ng Kanyang habag (ang ulan). Hanggang nang sila (hangin) ay makapagdala ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito sa isang tigang na lupa, at Aming pinapangyari na ang ulan ay mamalisbis dito. At Kami ay nagpasibol dito (sa kalupaan) ng lahat ng uri ng bungangkahoy. Sa gayunding paraan ay Aming ibabangon ang patay, upang kayo ay makaala-ala o makinig
وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ
Ang mga halaman ng isang mabuting lupa (ay madaling) sumibol sa kapahintulutan ng kanyang Panginoon, at sa hindi mabuting (lupa), rito ay walang sumibol maliban sa kakarampot lamang (bukod) pa sa may kahirapan. Sa ganito Namin ipinapaliwanag sa maraming paraan ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sa mga tao na nagbibigay ng pasasalamat
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
