Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #60 Translated in Filipino

وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِنَ الْمُحْسِنِينَ
At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, matapos na ito ay maitalaga sa ayos, at inyong panikluhuran Siya ng may pangangamba at pag-asa. Katiyakan, ang Habag ni Allah (ay laging) malapit sa mga gumagawa ng kabutihan
وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَنْزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
At Siya ang nagpapadala ng hangin bilang pagpapahayag ng mabuting balita, na pumapalaot sa harapan ng Kanyang habag (ang ulan). Hanggang nang sila (hangin) ay makapagdala ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito sa isang tigang na lupa, at Aming pinapangyari na ang ulan ay mamalisbis dito. At Kami ay nagpasibol dito (sa kalupaan) ng lahat ng uri ng bungangkahoy. Sa gayunding paraan ay Aming ibabangon ang patay, upang kayo ay makaala-ala o makinig
وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ
Ang mga halaman ng isang mabuting lupa (ay madaling) sumibol sa kapahintulutan ng kanyang Panginoon, at sa hindi mabuting (lupa), rito ay walang sumibol maliban sa kakarampot lamang (bukod) pa sa may kahirapan. Sa ganito Namin ipinapaliwanag sa maraming paraan ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sa mga tao na nagbibigay ng pasasalamat
لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katiyakang ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan ng dakilang Araw!”
قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ang mga pinuno ng kanyang pamayanan ay nagsabi: “Katotohanang ikaw ay namamalas namin sa isang lantad na kamalian.”

Choose other languages: