Surah Al-Araf Ayahs #28 Translated in Filipino
قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ
(Si Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay (inyong) kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, si Adan, Eba at Satanas, atbp.). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at bilang isang kasiyahan, - sa natatakdaang panahon.”
قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ
Siya (Allah) ay nagwika: “doon kayo ay maninirahan, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay)”
يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ
O Angkan ni Adan! Kami ay nagkaloob ng saplot sa inyo upang inyong takpan ang inyong sarili (bihisan ang inyong maseselang bahagi, atbp.), at bilang isang palamuti. Datapuwa’t ang saplot ng kabutihan ang higit na mainam. Ito ay ilan sa Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, upang sila ay makaala-ala (alalaong baga, iwanan ang Kabulaanan at sundin ang Katotohanan)
يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ
O Angkan ni Adan! Huwag hayaang si Satanas ay luminlang sa inyo, na katulad nang pagkakuha (pagkadaya) niya sa inyong magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso, na hinubaran sila ng kanilang saplot, upang maipakita sa kanila ang kanilang maseselang bahagi (ng katawan). Katotohanang siya at ang Qabiluhu (ang kanyang mga sundalo mula sa mga masasamang Jinn o ang kanyang tribo) ay nakakakita sa inyo mula sa lugar na sila ay hindi ninyo nakikita. Katotohanang Aming ginawa ang mga diyablo bilang Auliya (tagapangalaga at kawaksi) ng mga walang pananampalataya
وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
At nang sila ay gumawa ng isang Fahisha (masamang gawa, na lumilibot nang paikot sa Ka’ba na nakahubad, at ng lahatnguringbawalnapakikipagtalik, atbp.), silaaynagsabi: “Hindi, si Allah ay hindi kailanman nag-uutos ng Fahisha?” Kayo baga ay nagsasalita tungkol kay Allah ng bagay na hindi ninyo nababatid
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
