Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #27 Translated in Filipino

قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili. Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga napalungi.”
قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ
(Si Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay (inyong) kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, si Adan, Eba at Satanas, atbp.). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at bilang isang kasiyahan, - sa natatakdaang panahon.”
قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ
Siya (Allah) ay nagwika: “doon kayo ay maninirahan, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay)”
يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ
O Angkan ni Adan! Kami ay nagkaloob ng saplot sa inyo upang inyong takpan ang inyong sarili (bihisan ang inyong maseselang bahagi, atbp.), at bilang isang palamuti. Datapuwa’t ang saplot ng kabutihan ang higit na mainam. Ito ay ilan sa Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, upang sila ay makaala-ala (alalaong baga, iwanan ang Kabulaanan at sundin ang Katotohanan)
يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ
O Angkan ni Adan! Huwag hayaang si Satanas ay luminlang sa inyo, na katulad nang pagkakuha (pagkadaya) niya sa inyong magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso, na hinubaran sila ng kanilang saplot, upang maipakita sa kanila ang kanilang maseselang bahagi (ng katawan). Katotohanang siya at ang Qabiluhu (ang kanyang mga sundalo mula sa mga masasamang Jinn o ang kanyang tribo) ay nakakakita sa inyo mula sa lugar na sila ay hindi ninyo nakikita. Katotohanang Aming ginawa ang mga diyablo bilang Auliya (tagapangalaga at kawaksi) ng mga walang pananampalataya

Choose other languages: