Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #25 Translated in Filipino

وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ
At siya (Satanas) ay sumumpa (sa Ngalan) ni Allah sa kanilang dalawa (na nagsasabi): “Katotohanang ako ay isa sa matapat na bumabati sa inyong dalawa.”
فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ
Kaya’t kanyang iniligaw sila ng may panlilinlang. At nang kanilang matikman ang (bunga) ng punongkahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan (maseselang bahagi ng katawan) ay naging lantad sa kanila, at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng Paraiso sa kanilang sarili (upang maitago nila ang kanilang kahihiyan). At ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsasabi): “Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punongkahoy na yaon at nangusap sa inyo na: “Katotohanang si Satanas ay isang lantad na kaaway sa inyo?”
قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili. Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga napalungi.”
قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ
(Si Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay (inyong) kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, si Adan, Eba at Satanas, atbp.). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at bilang isang kasiyahan, - sa natatakdaang panahon.”
قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ
Siya (Allah) ay nagwika: “doon kayo ay maninirahan, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay)”

Choose other languages: