Surah Al-Araf Ayahs #204 Translated in Filipino
وَإِمَّا يَنْزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At kung ang masamang bulong ay lumapit sa inyo mula kay Satanas, kayo ay humanap ng kalinga (kaligtasan) kay Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
إِنَّ الَّذِينَ اتَّقَوْا إِذَا مَسَّهُمْ طَائِفٌ مِنَ الشَّيْطَانِ تَذَكَّرُوا فَإِذَا هُمْ مُبْصِرُونَ
Katotohanan, sila na matimtiman sa kabutihan; kung ang isang masamang isipin ay dumatal sa kanila mula kay Satanas, sila ay nakakaala-ala (kay Allah), at katotohanang sila ay nakakakita (ng matuwid)
وَإِخْوَانُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِي الْغَيِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ
Datapuwa’t (tungkol) sa kanilang mga kapatid (mga masasamang kapatid), sila (mga diyablo) ay naghuhulog sa kanila sa malalim na kamalian, sila ay hindi tumitigil kung ito ay hindi pa ganap
وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِمْ بِآيَةٍ قَالُوا لَوْلَا اجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ مِنْ رَبِّي ۚ هَٰذَا بَصَائِرُ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
At kung ikaw ay hindi naghahatid sa kanila ng isang Himala (ayon sa kanilang [mga paganong Quraish] mungkahi), sila ay nagsasabi: “Bakit hindi mo dinala ito sa amin?” Ipagbadya: “Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin mula sa aking Panginoon. Ito (ang Qur’an) ay wala ng iba maliban na mga katibayan mula sa inyong Panginoon, at isang Patnubay at isang Habag sa mga tao na sumasampalataya.”
وَإِذَا قُرِئَ الْقُرْآنُ فَاسْتَمِعُوا لَهُ وَأَنْصِتُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Kaya’t kung ang Qur’an ay dinadalit, kayo ay makinig dito, at maging tahimik upang kayo ay makatanggap ng habag (alalaong baga, sa oras ng sama-samang pagdarasal kung ang Imam [namumuno o namamahala sa Moske] ay namumuno sa pagdarasal, at gayundin, kung siya ay nagbibigay ng pangaral [sermon] sa pang-Biyernes na panalangin
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
