Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #206 Translated in Filipino

وَإِخْوَانُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِي الْغَيِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ
Datapuwa’t (tungkol) sa kanilang mga kapatid (mga masasamang kapatid), sila (mga diyablo) ay naghuhulog sa kanila sa malalim na kamalian, sila ay hindi tumitigil kung ito ay hindi pa ganap
وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِمْ بِآيَةٍ قَالُوا لَوْلَا اجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ مِنْ رَبِّي ۚ هَٰذَا بَصَائِرُ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
At kung ikaw ay hindi naghahatid sa kanila ng isang Himala (ayon sa kanilang [mga paganong Quraish] mungkahi), sila ay nagsasabi: “Bakit hindi mo dinala ito sa amin?” Ipagbadya: “Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin mula sa aking Panginoon. Ito (ang Qur’an) ay wala ng iba maliban na mga katibayan mula sa inyong Panginoon, at isang Patnubay at isang Habag sa mga tao na sumasampalataya.”
وَإِذَا قُرِئَ الْقُرْآنُ فَاسْتَمِعُوا لَهُ وَأَنْصِتُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Kaya’t kung ang Qur’an ay dinadalit, kayo ay makinig dito, at maging tahimik upang kayo ay makatanggap ng habag (alalaong baga, sa oras ng sama-samang pagdarasal kung ang Imam [namumuno o namamahala sa Moske] ay namumuno sa pagdarasal, at gayundin, kung siya ay nagbibigay ng pangaral [sermon] sa pang-Biyernes na panalangin
وَاذْكُرْ رَبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُنْ مِنَ الْغَافِلِينَ
At iyong alalahanin (ikaw na bumabasa!), ang iyong Panginoon sa (pamamagitan) ng iyong dila at sa loob ng iyong sarili (sa kaluluwa), na mapagkumbaba at may pangangamba at walang kaingayan sa (mga) umaga, at sa (mga) hapon, at huwag kayong sumama sa kanila na nagpapabaya
إِنَّ الَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩
Katotohanan, ang (mga anghel) na nasa (piling) ng kanilang Panginoon ay hindi kailanman naging lubhang palalo sa pagsasagawa ng mga gawa ng pagsamba sa Kanya, bagkus, sila ay lumuluwalhati ng papuri sa Kanya at sila ay nagpapatirapa sa Kanya

Choose other languages: