Surah Al-Araf Ayahs #199 Translated in Filipino
أَلَهُمْ أَرْجُلٌ يَمْشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍ يَبْطِشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌ يُبْصِرُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنْظِرُونِ
Sila baga ay may mga paa na rito sila ay lumalakad? o sila ba ay may mga kamay na rito sila ay humahawak? o sila ba ay may mga mata na rito sila ay nakakakita? o sila ba ay may mga tainga na rito sila ay nakakarinig? Ipagbadya (o Muhammad): “Tawagin ninyo (ang inyong iniaakibat) na mga katambal (kay Allah) at kayo ay gumawa ng balak sa akin, at huwag ninyo akong bigyan ng palugit na panahon
إِنَّ وَلِيِّيَ اللَّهُ الَّذِي نَزَّلَ الْكِتَابَ ۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى الصَّالِحِينَ
Katotohanan, ang aking Wali (Tagapangalaga, Tagapagtaguyod at Kawaksi, atbp.) ay si Allah, na nagpahayag ng Aklat (ang Qur’an), at Siya ang nangangalaga (nagtataguyod at tumutulong) sa mga matutuwid.”
وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَكُمْ وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ
At yaong mga tinatawagan ninyo na mga iba maliban pa sa Kanya (Allah) ay hindi makakatulong sa inyo, gayundin naman ay hindi nila matutulungan ang kanilang sarili.”
وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا ۖ وَتَرَاهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ
At kung sila ay inyong panikluhuran sa patnubay, sila ay hindi nakakarinig at mamamalas ninyo na sila ay tumitingin sa inyo, datapuwa’t sila ay hindi nakakakita
خُذِ الْعَفْوَ وَأْمُرْ بِالْعُرْفِ وَأَعْرِضْ عَنِ الْجَاهِلِينَ
Magpakita kayo ng pagpapatawad, magtagubilin kung ano ang mabuti at lumayo kayo sa mga luko-luko (alalaong baga, huwag ninyo silang parusahan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
