Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #182 Translated in Filipino

مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay napapatnubayan, at sinuman ang Kanyang dalhin sa pagkaligaw, sila, sila ang mga talunan
وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌ لَا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌ لَا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ آذَانٌ لَا يَسْمَعُونَ بِهَا ۚ أُولَٰئِكَ كَالْأَنْعَامِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ
At katiyakang Aming nilikha ang marami sa mga Jinn at sangkatauhan tungo sa Impiyerno. Sila ay may puso na hindi nakakaunawa, sila ay may mga mata na hindi nakakakita, at sila ay may mga tainga na hindi nakakarinig (ng Katotohanan). Sila ay katulad ng bakahan (hayupan), hindi, higit silang napapaligaw. Sila! Sila ang walang iniintindi
وَلِلَّهِ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ فَادْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي أَسْمَائِهِ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon, at iwan ninyo ang mga pangkat ng nagpapabulaan o nagkakaila (o umuusal ng walang galang na salita) sa Kanyang Pangalan. Sila ay gagantihan sa kanilang mga ginawa
وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ
At sa lipon nila na Aming nilikha, mayroong pamayanan na namamatnubay (sa mga iba) sa katotohanan, at dito ay nagtitindig ng katarungan
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ
Sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila ay unti-unti Naming sasakmalin ng kaparusahan sa paraang hindi nila napag-aakala

Choose other languages: