Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #108 Translated in Filipino

وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
At si Moises ay nagbadya: “o Paraon! Ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
حَقِيقٌ عَلَىٰ أَنْ لَا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُمْ بِبَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ
Marapat para sa akin na mangusap ako ng wala ng iba pa hinggil kay Allah maliban sa katotohanan. Katotohanang ako ay naparito sa inyo mula sa inyong Panginoon na may dalang maliwanag na katibayan. Kaya’t hayaan ang Angkan ng Israel ay lumisan na kasama ko.”
قَالَ إِنْ كُنْتَ جِئْتَ بِآيَةٍ فَأْتِ بِهَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
(Si Paraon) ay nangusap: “Kung ikaw ay dumatal na may Tanda, ito ay iyong ilantad dito, - kung ikaw ay isa sa nagsasabi ng katotohanan.”
فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُبِينٌ
(At si Moises) ay naghagis ng kanyang tungkod, at pagmasdan!, ito ay isang maliwanag na ahas
وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ
At kanyang inilabas ang kanyang kamay, at pagmalasin!, ito ay (naging) puti (na nagniningning) sa mga nakakamalas

Choose other languages: