Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #107 Translated in Filipino

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ
At pagkaraan nila ay Aming isinugo si Moises na kasama ang Aming mga Tanda kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, datapuwa’t sa kamalian ay kanilang itinakwil siya. Kaya’t pagmasdan kung ano ang kinasapitan ng Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, tampalasan, buhong, atbp)
وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
At si Moises ay nagbadya: “o Paraon! Ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
حَقِيقٌ عَلَىٰ أَنْ لَا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُمْ بِبَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ
Marapat para sa akin na mangusap ako ng wala ng iba pa hinggil kay Allah maliban sa katotohanan. Katotohanang ako ay naparito sa inyo mula sa inyong Panginoon na may dalang maliwanag na katibayan. Kaya’t hayaan ang Angkan ng Israel ay lumisan na kasama ko.”
قَالَ إِنْ كُنْتَ جِئْتَ بِآيَةٍ فَأْتِ بِهَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
(Si Paraon) ay nangusap: “Kung ikaw ay dumatal na may Tanda, ito ay iyong ilantad dito, - kung ikaw ay isa sa nagsasabi ng katotohanan.”
فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُبِينٌ
(At si Moises) ay naghagis ng kanyang tungkod, at pagmasdan!, ito ay isang maliwanag na ahas

Choose other languages: