Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ankabut Ayahs #43 Translated in Filipino

وَقَارُونَ وَفِرْعَوْنَ وَهَامَانَ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانُوا سَابِقِينَ
(At alalahanin, Aming winasak) din si Korah, Paraon at Haman. Katotohanang sa kanila ay isinugo si Moises na may Maliwanag na Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), subalit sila ay kumikilos ng may kapusungan sa kalupaan, datapuwa’t hindi nila Kami maaabot (o matatakasan ang Aming kaparusahan)
فَكُلًّا أَخَذْنَا بِذَنْبِهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِ حَاصِبًا وَمِنْهُمْ مَنْ أَخَذَتْهُ الصَّيْحَةُ وَمِنْهُمْ مَنْ خَسَفْنَا بِهِ الْأَرْضَ وَمِنْهُمْ مَنْ أَغْرَقْنَا ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
At ang bawat isa sa kanila ay Aming sinakmal sa kanilang kabuktutan; at sa kanila, ang iba ay Aming hinataw ng nagngangalit na bagyo (na umuulan ng bato, katulad nang nangyari sa mga tao ni Lut); ang iba ay nakupot ng (matinding) Pagsabog (katulad nang nangyari sa mga tao ni Thamud at Shu’aib); at ang iba ay Aming hinayaan na lamunin ng lupa (katulad ni Korah); at ang iba ay Aming nilunod (katulad nang nangyari sa mga tao ni Noe, Paraon at kanyang mga kabig). Hindi si Allah ang nagpahamak sa kanila, datapuwa’t sila ang nagpahamak sa kanilang sarili
مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا ۖ وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ ۖ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Ang nakakahalintulad ng mga tumatangkilik ng Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi) bukod pa kay Allah ay tulad ng isang Gagamba, na nagtatayo (sa kanyang sarili) ng bahay; datapuwa’t katotohanan, ang pinakamarupok sa lahat ng mga bahay ay ang bahay ng gagamba, kung kanila lamang itong napag-uunawa
إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Katotohanang talastas ni Allah ang (lahat ng bagay) na kanilang tinatawagan bukod pa sa Kanya. At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ ۖ وَمَا يَعْقِلُهَا إِلَّا الْعَالِمُونَ
Ang mga ganitong paghahambing ay Aming inihahalimbawa sa sangkatauhan, datapuwa’t walang makakatukoy ng kanilang kahulugan maliban lamang sa nakakaunawa at may karunungan (kay Allah at sa Kanyang mga Tanda, atbp)

Choose other languages: