Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ankabut Ayahs #17 Translated in Filipino

وَلَيَحْمِلُنَّ أَثْقَالَهُمْ وَأَثْقَالًا مَعَ أَثْقَالِهِمْ ۖ وَلَيُسْأَلُنَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَمَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ
At katotohanang papasanin nila ang sarili nilang mga pabigat (mga kamalian), at (ang iba) pang mga pabigat na kasama ng kanila, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katiyakang sila ay tatawagin upang magsulit sa kanilang kasinungalingan
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَلَبِثَ فِيهِمْ أَلْفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمْسِينَ عَامًا فَأَخَذَهُمُ الطُّوفَانُ وَهُمْ ظَالِمُونَ
Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nanatili sa kanila sa loob ng isang libong taon maliban sa limangpu (na nag-aanyaya sa kanila sa Islam at Kaisahan ni Allah, at iwaksi ang mga huwad na diyos at iba pang mga diyus-diyosan); datapuwa’t ang delubyo (baha) ay sumakmal sa kanila habang sila (ay lulong) sa kasalanan at kasamaan
فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَصْحَابَ السَّفِينَةِ وَجَعَلْنَاهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ
Datapuwa’t Aming iniligtas siya, gayundin ang kanyang mga Kasama sa Arko, at ginawa Namin ito (ang Arko) bilang isang Ayah (tanda, aral, babala, atbp.) sa lahat ng mga nilalang
وَإِبْرَاهِيمَ إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاتَّقُوهُ ۖ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At (alalahanin, nang Amin ding iniligtas) si Abraham; pagmasdan, nang kanyang ipagbadya sa kaniyang pamayanan: “Pagsilbihan (sambahin) ninyo (lamang) si Allah at Siya ay inyong pangambahan; ito ay higit na mainam sa inyo, kung kayo ay nakakaunawa
إِنَّمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا وَتَخْلُقُونَ إِفْكًا ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَا يَمْلِكُونَ لَكُمْ رِزْقًا فَابْتَغُوا عِنْدَ اللَّهِ الرِّزْقَ وَاعْبُدُوهُ وَاشْكُرُوا لَهُ ۖ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Sapagkat kayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan maliban pa kay Allah, at kayo ay nagsisigawa ng mga kasinungalingan. Katotohanan, ang mga bagay na sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay walang kapangyarihan upang bigyan kayo ng ikabubuhay, kaya’t magsihanap kayo ng ikabubuhay mula kay Allah (lamang), at Siya (lamang) ang paglingkuran ninyo at magkaroon kayo ng utang na loob ng pasasalamat sa Kanya. (Tanging) Sa Kanya, kayong lahat ay magbabalik

Choose other languages: