Surah Al-Anaam Ayahs #71 Translated in Filipino
لِكُلِّ نَبَإٍ مُسْتَقَرٌّ ۚ وَسَوْفَ تَعْلَمُونَ
Sa bawat balita ay mayroong katotohanan, alalaong baga, sa bawat bagay ay mayroong natataningang panahon (at sinasabi rin na sa bawat gawa ay mayroong kabayaran), at (ito) ay inyong mapag-aalaman
وَإِذَا رَأَيْتَ الَّذِينَ يَخُوضُونَ فِي آيَاتِنَا فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ حَتَّىٰ يَخُوضُوا فِي حَدِيثٍ غَيْرِهِ ۚ وَإِمَّا يُنْسِيَنَّكَ الشَّيْطَانُ فَلَا تَقْعُدْ بَعْدَ الذِّكْرَىٰ مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At kung ikaw (o Muhammad) ay nakakamasid sa kanila na abala sa bulaang pakikipag-usap hinggil sa Aming mga Talata (ang Qur’an), sa pamamagitan ng pagtuya sa mga ito, manatiling malayo sa kanila hanggang sa sila ay magbago ng kanilang pinag-uusapan. At kung ginawa ni Satanas na kayo ay makalimot, kung gayon, huwag kayong makiupo (makihalubilo) sa kanila sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp.) matapos na kayo ay makaala-ala (sa gayong maling bagay)
وَمَا عَلَى الَّذِينَ يَتَّقُونَ مِنْ حِسَابِهِمْ مِنْ شَيْءٍ وَلَٰكِنْ ذِكْرَىٰ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
Ang mga masunurin kay Allah at umiiwas sa kasamaan ay walang pananagutan sa kanila (na mga hindi sumasampalataya) sa anumang paraan, datapuwa’t (ang kanilang tungkulin) ay paalalahanan sila, na kanilang iwasan ang gayong (panunuya sa Qur’an). [Ang pag-uutos ng ganitong Talata ay sinusugan (pinalitan) ng Talatang
وَذَرِ الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَعِبًا وَلَهْوًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ وَذَكِّرْ بِهِ أَنْ تُبْسَلَ نَفْسٌ بِمَا كَسَبَتْ لَيْسَ لَهَا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ وَإِنْ تَعْدِلْ كُلَّ عَدْلٍ لَا يُؤْخَذْ مِنْهَا ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أُبْسِلُوا بِمَا كَسَبُوا ۖ لَهُمْ شَرَابٌ مِنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ
At hayaan ninyong nag-iisa siya na nagtuturing sa kanyang pananampalataya bilang isang laro at paglilibang, at nalinlang ng buhay sa mundong ito. Datapuwa’t (sila) ay paalalahanan nito (ang Qur’an); baka ang tao ay masadlak sa pagkawasak sa bagay na kanyang kinita, kung kanyang mamasdan sa kanyang sarili na siya ay walang tagapangalaga o tagapamagitan maliban pa kay Allah, at kahit na siya ay mag-alok ng lahat ng kabayaran, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Sila ang mga (tao) na isinadlak sa pagkawasak dahilan sa kanilang kinita (mga ginawa). Sasakanila ang inumin ng kumukulong tubig at isang kasakit-sakit na kaparusahan dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya
قُلْ أَنَدْعُو مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰ أَعْقَابِنَا بَعْدَ إِذْ هَدَانَا اللَّهُ كَالَّذِي اسْتَهْوَتْهُ الشَّيَاطِينُ فِي الْأَرْضِ حَيْرَانَ لَهُ أَصْحَابٌ يَدْعُونَهُ إِلَى الْهُدَى ائْتِنَا ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۖ وَأُمِرْنَا لِنُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
Ipagbadya(oMuhammad):“Atinbagangpaninikluhuran ang mga iba (mga huwad na diyus-diyosan) maliban pa kay Allah, (sila) na hindi makakapagbigay sa atin ng anumang mabuti o pinsala, at tayo ba ay magtatalikod ng ating sakong matapos na Siya ay mamatnubay sa atin (sa tunay na paniniwala sa Tangi at Nag-iisang diyos)? – na katulad niya na isinadlak ng mga diyablo na mapaligaw, na nalilito (at nagpapalibot-libot) sa kalupaan, ang kanyang kasamahan ay tumatawag sa kanya tungo sa patnubay (na nagsasabi): “Pumarito ka sa amin.” Ipagbadya: “Katotohanan, ang patnubay ni Allah ang tangi lamang patnubay, at kami ay pinag-utusan na magsuko (ng aming sarili) sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
