Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #50 Translated in Filipino

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَخَذَ اللَّهُ سَمْعَكُمْ وَأَبْصَارَكُمْ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِهِ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ ثُمَّ هُمْ يَصْدِفُونَ
Ipagbadya (sa mga hindi sumasampalataya): “Sabihin ninyo sa akin, kung kunin ni Allah ang inyong pandinig at inyong paningin, at takpan Niya ang inyong puso, sino pa ba kaya rito, - ang ilah (isang diyos) maliban pa kay Allah, ang makakapagpanumbalik ng mga ito para sa inyo?” Tingnan kung paano Namin sa maraming paraan ipinapaliwanag ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), datapuwa’t sila ay nagsitalikod pa rin
قُلْ أَرَأَيْتَكُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُ اللَّهِ بَغْتَةً أَوْ جَهْرَةً هَلْ يُهْلَكُ إِلَّا الْقَوْمُ الظَّالِمُونَ
Ipagbadya: “Sabihin ninyo sa akin, kung ang kaparusahan ni Allah ay dumatal sa inyo nang walang abog-abog (sa panahon ng gabi), o ng lantad (sa panahon ng maghapon), mayroon pa ba kayang mawawasak maliban sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian)
وَمَا نُرْسِلُ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ ۖ فَمَنْ آمَنَ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
At hindi Namin isinugo ang mga Tagapagbalita maliban na sila ay tagapagbigay ng magandang balita at bilang tagapagbabala. Kaya’t sinuman ang manampalataya at gumawa ng kabutihan, sa kanya ay walang sasapit na pangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا يَمَسُّهُمُ الْعَذَابُ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), ang kaparusahan ay dadapo sa kanila dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya (at sa kanilang pagpapabulaan sa mensahe ni Muhammad)
قُلْ لَا أَقُولُ لَكُمْ عِنْدِي خَزَائِنُ اللَّهِ وَلَا أَعْلَمُ الْغَيْبَ وَلَا أَقُولُ لَكُمْ إِنِّي مَلَكٌ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ ۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay hindi nagsasabi sa inyo na nasa akin ang mga kayamanan ni Allah, gayundin na aking talastas ang mga bagay na nakalingid; at gayundin, ako ay hindi nagsasabi sa inyo na ako ay isang anghel. Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin sa pamamagitan ng inspirasyon.” Ipagbadya: “Sila ba na mga bulag ay katulad nila na nakakakita? Hindi baga kayo magkakaroon ng pagdidili-dili?”

Choose other languages: