Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #47 Translated in Filipino

فَلَوْلَا إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا تَضَرَّعُوا وَلَٰكِنْ قَسَتْ قُلُوبُهُمْ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At nang ang Aming kaparusahan ay sumapit na sa kanila, bakit hindi sila nanampalataya ng may kababaang loob? Datapuwa’t ang kanilang puso ay naging matigas, at ginawang nakakaganyak ni Satanas sa kanila ang kanilang mga ginagawa
فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ أَبْوَابَ كُلِّ شَيْءٍ حَتَّىٰ إِذَا فَرِحُوا بِمَا أُوتُوا أَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً فَإِذَا هُمْ مُبْلِسُونَ
Kaya’t nang kanilang nalimutan (ang babala) kung saan sila ay pinaalalahanan, Aming binuksan para sa kanila ang mga tarangkahan ng bawat (nakakalugod) na bagay, hanggang sa gitna ng kanilang pagsasaya sa bagay na ipinagkaloob sa kanila, walang anu- ano’y Aming inihantong sila sa kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay nabulid sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi at kapighatian
فَقُطِعَ دَابِرُ الْقَوْمِ الَّذِينَ ظَلَمُوا ۚ وَالْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Kaya’t ang mga ugat ng mga tao na gumawa ng kamalian ay naputol. At ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang
قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَخَذَ اللَّهُ سَمْعَكُمْ وَأَبْصَارَكُمْ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِهِ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ ثُمَّ هُمْ يَصْدِفُونَ
Ipagbadya (sa mga hindi sumasampalataya): “Sabihin ninyo sa akin, kung kunin ni Allah ang inyong pandinig at inyong paningin, at takpan Niya ang inyong puso, sino pa ba kaya rito, - ang ilah (isang diyos) maliban pa kay Allah, ang makakapagpanumbalik ng mga ito para sa inyo?” Tingnan kung paano Namin sa maraming paraan ipinapaliwanag ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), datapuwa’t sila ay nagsitalikod pa rin
قُلْ أَرَأَيْتَكُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُ اللَّهِ بَغْتَةً أَوْ جَهْرَةً هَلْ يُهْلَكُ إِلَّا الْقَوْمُ الظَّالِمُونَ
Ipagbadya: “Sabihin ninyo sa akin, kung ang kaparusahan ni Allah ay dumatal sa inyo nang walang abog-abog (sa panahon ng gabi), o ng lantad (sa panahon ng maghapon), mayroon pa ba kayang mawawasak maliban sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian)

Choose other languages: