Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #44 Translated in Filipino

قُلْ أَرَأَيْتَكُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُ اللَّهِ أَوْ أَتَتْكُمُ السَّاعَةُ أَغَيْرَ اللَّهِ تَدْعُونَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sabihin ninyo sa akin, kung ang kaparusahan ni Allah ay sumapit sa inyo, o ang oras ay dumatal sa inyo, kayo ba ay maninikluhod sa iba pa maliban kay Allah? (Magsitugon kayo) kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan!”
بَلْ إِيَّاهُ تَدْعُونَ فَيَكْشِفُ مَا تَدْعُونَ إِلَيْهِ إِنْ شَاءَ وَتَنْسَوْنَ مَا تُشْرِكُونَ
Hindi! Sa Kanya lamang kayo manawagan, at kung Kanyang kagustuhan ay Kanyang papawiin (ang gayong kapighatian) na siyang dahilan ng inyong paninikluhod sa Kanya, at inyong malilimutan sa sandaling yaon ang anumang mga katambal na inyong iniaakibat sa Kanya (sa pagsamba)
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ أُمَمٍ مِنْ قَبْلِكَ فَأَخَذْنَاهُمْ بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَتَضَرَّعُونَ
Katotohanang Kami ay nagpadala (ng mga Tagapagbalita) sa maraming pamayanan (bansa) nang una pa sa iyo (o Muhammad). At sila ay Aming sinakmal ng matinding kahirapan (o pagkawala ng kanilang kayamanan) at paglala ng kanilang kalusugan na kasama ang mga kapinsalaan upang sila ay magsisampalataya ng may kapakumbabaan
فَلَوْلَا إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا تَضَرَّعُوا وَلَٰكِنْ قَسَتْ قُلُوبُهُمْ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At nang ang Aming kaparusahan ay sumapit na sa kanila, bakit hindi sila nanampalataya ng may kababaang loob? Datapuwa’t ang kanilang puso ay naging matigas, at ginawang nakakaganyak ni Satanas sa kanila ang kanilang mga ginagawa
فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ أَبْوَابَ كُلِّ شَيْءٍ حَتَّىٰ إِذَا فَرِحُوا بِمَا أُوتُوا أَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً فَإِذَا هُمْ مُبْلِسُونَ
Kaya’t nang kanilang nalimutan (ang babala) kung saan sila ay pinaalalahanan, Aming binuksan para sa kanila ang mga tarangkahan ng bawat (nakakalugod) na bagay, hanggang sa gitna ng kanilang pagsasaya sa bagay na ipinagkaloob sa kanila, walang anu- ano’y Aming inihantong sila sa kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay nabulid sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi at kapighatian

Choose other languages: