Surah Al-Anaam Ayahs #161 Translated in Filipino
أَوْ تَقُولُوا لَوْ أَنَّا أُنْزِلَ عَلَيْنَا الْكِتَابُ لَكُنَّا أَهْدَىٰ مِنْهُمْ ۚ فَقَدْ جَاءَكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ ۚ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَذَّبَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَصَدَفَ عَنْهَا ۗ سَنَجْزِي الَّذِينَ يَصْدِفُونَ عَنْ آيَاتِنَا سُوءَ الْعَذَابِ بِمَا كَانُوا يَصْدِفُونَ
o di kaya (kayong mga paganong Arabo) ay magsabi: “Kung ang Aklat lamang ay ipinadala sa amin, katiyakang kami sana ay naging higit na mainam na napapatnubayan kaysa sa kanila (mga Hudyo at Kristiyano).” Kaya’t dumatal ngayon sa inyo ang isang maliwanag na Katibayan (ang Qur’an) mula sa inyong Panginoon, at isang patnubay at isang habag. At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na nagtatakwil sa Ayat (mga katibayan, talata, aral, kapahayagan, atbp.) ni Allah at tumatalikod dito? Aming babayaran sila na tumatalikod sa Aming Ayat ng isang masamang kaparusahan, dahilan sa kanilang pagtalikod dito
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ رَبُّكَ أَوْ يَأْتِيَ بَعْضُ آيَاتِ رَبِّكَ ۗ يَوْمَ يَأْتِي بَعْضُ آيَاتِ رَبِّكَ لَا يَنْفَعُ نَفْسًا إِيمَانُهَا لَمْ تَكُنْ آمَنَتْ مِنْ قَبْلُ أَوْ كَسَبَتْ فِي إِيمَانِهَا خَيْرًا ۗ قُلِ انْتَظِرُوا إِنَّا مُنْتَظِرُونَ
Sila baga ay naghihintay sa anupaman maliban na ang mga anghel ay pumaroon sa kanila, o ang inyong Panginoon ay pumarito, o ang ilan sa mga Tanda ng inyong Panginoon ay dumatal (alalaong baga, ang Hudyat ng Sandali, ang pagsikat ng araw sa kanluran)! Sa Araw na ang ilan sa mga Tanda ng inyong Panginoon ay dumatal, ito ay walang kabutihan na maidudulot sa isang tao na mananampalataya (sa sandaling ito), kung siya ay hindi nanampalataya noon, o nakapagkamit ng kabutihan (sa pamamagitan nang paggawa ng mga katuwiran) sa paraan ng Pananalig nito. Ipagbadya: “Magsipaghintay kayo! Kami rin ay naghihintay.”
إِنَّ الَّذِينَ فَرَّقُوا دِينَهُمْ وَكَانُوا شِيَعًا لَسْتَ مِنْهُمْ فِي شَيْءٍ ۚ إِنَّمَا أَمْرُهُمْ إِلَى اللَّهِ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْعَلُونَ
Katotohanan, ang mga nagbabaha-bahagi ng kanilang pananampalataya at naghihiwalay sa maraming mga sekta (lahat ng uri ng sekta ng pananampalataya), ikaw (o Muhammad) ay walang anumang kaugnayan sa mga ito kahit na katiting. Ang kanilang ginagawa (mga pangyayari) ay nasa (kaalaman) lamang ni Allah, na Siyang magsasabi sa kanila kung ano ang kanilang ginawa
مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ عَشْرُ أَمْثَالِهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَىٰ إِلَّا مِثْلَهَا وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
Sinuman ang magdala ng isang mabuting gawa (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) ay magkakaroon ng sampung ulit na katumbas nito (tungo) sa kanyang kapakinabangan, at sinuman ang magdala ng isang masamang gawa (paniniwala sa diyus-diyosan, kawalan ng pananalig, pagkukunwari, at gawa ng pagsuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) ay magkakaroon lamang ng isang katumbas nito, at sila ay hindi mawawalan ng katarungan
قُلْ إِنَّنِي هَدَانِي رَبِّي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ دِينًا قِيَمًا مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۚ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham, na Hanifan (ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya [Allah]), at siya kailanman ay hindi napabilang sa lipon ng mga sumamba sa iba maliban pa kay Allah.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
