Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #129 Translated in Filipino

فَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يَهْدِيَهُ يَشْرَحْ صَدْرَهُ لِلْإِسْلَامِ ۖ وَمَنْ يُرِدْ أَنْ يُضِلَّهُ يَجْعَلْ صَدْرَهُ ضَيِّقًا حَرَجًا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي السَّمَاءِ ۚ كَذَٰلِكَ يَجْعَلُ اللَّهُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ
At sinuman ang naisin ni Allah na patnubayan, Kanyang binubuksan ang kanyang dibdib sa Islam, at kung sinuman ang Kanyang naisin na mapaligaw, ginagawa Niya ang kanyang dibdib ay nakapinid at nakaikom, na wari bang siya ay pumapanhik sa alapaap. Kaya’t sa ganito inilalagay ni Allah ang Kanyang pagkapoot sa kanila na hindi nananampalataya
وَهَٰذَا صِرَاطُ رَبِّكَ مُسْتَقِيمًا ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَذَّكَّرُونَ
At ito ang Landas ng inyong Panginoon (ang Qur’an at Islam) na humahantong sa katuwiran. Aming (ipinahayag) sa masusing paraan ang Aming mga kapahayagan sa mga tao na dumirinig (sa utos)
لَهُمْ دَارُ السَّلَامِ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۖ وَهُوَ وَلِيُّهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sasakanila ang Tahanan ng Kapayapaan (Paraiso) na kasama ang kanilang Panginoon. At Siya ang kanilang magiging Wali (Kawaksi at Tagapangalaga), dahilan sa kanilang ginawa
وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ قَدِ اسْتَكْثَرْتُمْ مِنَ الْإِنْسِ ۖ وَقَالَ أَوْلِيَاؤُهُمْ مِنَ الْإِنْسِ رَبَّنَا اسْتَمْتَعَ بَعْضُنَا بِبَعْضٍ وَبَلَغْنَا أَجَلَنَا الَّذِي أَجَّلْتَ لَنَا ۚ قَالَ النَّارُ مَثْوَاكُمْ خَالِدِينَ فِيهَا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۗ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٌ
Sa Araw na (silang lahat) ay Kanyang titipunin nang sama-sama (at magwiwika): “O kayong lipon ng mga Jinn! Marami sa sangkatauhan ang inyong nilinlang,” at ang kanilang Auliya (kaibigan at katulong, atbp.) sa lipon ng mga tao ay magsasabi: “Aming Panginoon, kami ay nakinabang sa bawat isa, subalit ngayon ay sinapit na namin ang natatakdaang panahon na Inyong itinalaga sa amin.” Siya (Allah) ay magwiwika: “Ang Apoy ang inyong magiging tahanan, mananahan kayo rito magpakailanman, maliban (na lamang) kung ano ang naisin ni Allah. Katiyakan, ang inyong Panginoon ay Pinakamaalam, ang Puspos ng Karunungan.”
وَكَذَٰلِكَ نُوَلِّي بَعْضَ الظَّالِمِينَ بَعْضًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
SagayonNaminginawaangZalimun(mgamapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian) bilang Auliya (tagapagtaguyod at kapanalig) ng bawat isa (sa kanila sa paggawa ng krimen, atbp.), dahilan sa kanilang mga ginawa

Choose other languages: