Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ahqaf Ayahs #18 Translated in Filipino

أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ خَالِدِينَ فِيهَا جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila ang magsisipanahan sa Halamanan (Paraiso), at mananatili rito ng walang hanggan, bilang isang kabayaran sa kanilang mabubuting gawa
وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ إِحْسَانًا ۖ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ كُرْهًا وَوَضَعَتْهُ كُرْهًا ۖ وَحَمْلُهُ وَفِصَالُهُ ثَلَاثُونَ شَهْرًا ۚ حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُ وَبَلَغَ أَرْبَعِينَ سَنَةً قَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَصْلِحْ لِي فِي ذُرِّيَّتِي ۖ إِنِّي تُبْتُ إِلَيْكَ وَإِنِّي مِنَ الْمُسْلِمِينَ
At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang mga magulang. Sa pagbabata ng sakit, ang kanyang ina ay nagdalang tao sa kanya, at sa hirap ay (kanyang) isinilang siya. Ang pagpapalaki (pagpapasuso) sa kanya (bata) sa loob ng tatlumpung buwan, at sa kalaunan, kung siya ay sumapit na sa gulang ng hustong lakas at dumating na sa apatnapung taon, siya ay nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran Ninyo ng lakas at kakayahan upang ako ay magkaroon ng pasasalamat sa Inyong mga biyaya na Inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng kabutihan, na magiging kalugud-lugod sa Inyo, at gayundin naman, na ang aking anak ay maging mabuti. Katotohanang ako ay naninikluhod sa Inyo sa pagsisisi, at katotohanan na isa ako sa mga Muslim (na tumatalima sa Inyong kalooban).”
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنْهُمْ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَنَتَجَاوَزُ عَنْ سَيِّئَاتِهِمْ فِي أَصْحَابِ الْجَنَّةِ ۖ وَعْدَ الصِّدْقِ الَّذِي كَانُوا يُوعَدُونَ
Sila (ang mga tao) na Aming tatanggapin ang kanilang mabubuting gawa at kaliligtaan Namin ang kanilang masasamang gawa. Sila ang mananahan sa Paraiso, isang pangako ng katotohanan, na sa kanila ay (Aming) ipinangako
وَالَّذِي قَالَ لِوَالِدَيْهِ أُفٍّ لَكُمَا أَتَعِدَانِنِي أَنْ أُخْرَجَ وَقَدْ خَلَتِ الْقُرُونُ مِنْ قَبْلِي وَهُمَا يَسْتَغِيثَانِ اللَّهَ وَيْلَكَ آمِنْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ فَيَقُولُ مَا هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
Datapuwa’t siya na nagsasabi sa kanyang magulang: “Kapwa kayo sumpain! Kayo baga ay nananangan sa pangako sa akin na ako ay muling ibabangon (mula sa kamatayan), kahima’t ang maraming sali’t saling lahi ay namatay na noon pang una (na hindi naman nagbangon sa muling pagkabuhay)?” At sila ay nanalangin ng tulong ni Allah (at sumalansang sa kanilang anak): “Kasawian sa iyo! Magkaroon ka ng pananalig! Katiyakan, ang pangako ni Allah ay katotohanan.” Subalit siya ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna!”
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ حَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا خَاسِرِينَ
Sila yaong ang Salita (ng Kaparusahan) laban sa kanila ay makatwiran sa lipon ng mga nakaraang henerasyon ng mga Jinn at tao na nangamatay na. Katotohanang sila ang mga talunan

Choose other languages: