Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #34 Translated in Filipino

وَوَهَبْنَا لِدَاوُودَ سُلَيْمَانَ ۚ نِعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ
At kay david ay Aming ibinigay si Solomon (bilang anak). Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siyaaylagingbumabalingsaAminsapagsisisi
إِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصَّافِنَاتُ الْجِيَادُ
Pagmasdan, itinambad sa kanyang harapan nang kinahapunan ang mga kabayo na lubos na sinanay at may mataas na lahi (na magagamit sa Jihad tungo sa Kapakanan ni Allah)
فَقَالَ إِنِّي أَحْبَبْتُ حُبَّ الْخَيْرِ عَنْ ذِكْرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتْ بِالْحِجَابِ
At siya ay nagsabi: “Tunay ngang higit kong pinahahalagahan ang kayamanan (mga kabayo) kaysa sa pag-aala-ala sa aking Panginoon (sa panghapong [Asr] pagdarasal)”, hanggang ang oras ay lumipas at ang (araw) ay natakpan na ng lambong (ng gabi)
رُدُّوهَا عَلَيَّ ۖ فَطَفِقَ مَسْحًا بِالسُّوقِ وَالْأَعْنَاقِ
At kanyang sinabi: “dalhin silang (mga kabayo) muli sa akin”. At sinimulan niyang paraanin ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanilang mga binti at kanilang leeg (hanggang sa huling kabayo)
وَلَقَدْ فَتَنَّا سُلَيْمَانَ وَأَلْقَيْنَا عَلَىٰ كُرْسِيِّهِ جَسَدًا ثُمَّ أَنَابَ
At katotohanang Aming sinubukan si Solomon at Aming inilagay sa kanyang luklukan ang Jasadan (isang demonyo, upang pansamantalang mawala ang kanyang pinamamahalaang kaharian) datapuwa’t nakabalik siya (sa kanyang luklukan at kaharian sa pamamagitan ng Kanyang Habag) kay Allah ng may pagsunod at sa pagsisisi

Choose other languages: