Surah Sad Ayahs #35 Translated in Filipino
إِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصَّافِنَاتُ الْجِيَادُ
Pagmasdan, itinambad sa kanyang harapan nang kinahapunan ang mga kabayo na lubos na sinanay at may mataas na lahi (na magagamit sa Jihad tungo sa Kapakanan ni Allah)
فَقَالَ إِنِّي أَحْبَبْتُ حُبَّ الْخَيْرِ عَنْ ذِكْرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتْ بِالْحِجَابِ
At siya ay nagsabi: “Tunay ngang higit kong pinahahalagahan ang kayamanan (mga kabayo) kaysa sa pag-aala-ala sa aking Panginoon (sa panghapong [Asr] pagdarasal)”, hanggang ang oras ay lumipas at ang (araw) ay natakpan na ng lambong (ng gabi)
رُدُّوهَا عَلَيَّ ۖ فَطَفِقَ مَسْحًا بِالسُّوقِ وَالْأَعْنَاقِ
At kanyang sinabi: “dalhin silang (mga kabayo) muli sa akin”. At sinimulan niyang paraanin ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanilang mga binti at kanilang leeg (hanggang sa huling kabayo)
وَلَقَدْ فَتَنَّا سُلَيْمَانَ وَأَلْقَيْنَا عَلَىٰ كُرْسِيِّهِ جَسَدًا ثُمَّ أَنَابَ
At katotohanang Aming sinubukan si Solomon at Aming inilagay sa kanyang luklukan ang Jasadan (isang demonyo, upang pansamantalang mawala ang kanyang pinamamahalaang kaharian) datapuwa’t nakabalik siya (sa kanyang luklukan at kaharian sa pamamagitan ng Kanyang Habag) kay Allah ng may pagsunod at sa pagsisisi
قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَهَبْ لِي مُلْكًا لَا يَنْبَغِي لِأَحَدٍ مِنْ بَعْدِي ۖ إِنَّكَ أَنْتَ الْوَهَّابُ
Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay patawarin Ninyo at Inyong pagkalooban ako ng isang kaharian na hindi mapapasakamay ng iba pagkatapos ko. Katotohanang Kayo ang Tagapagbigay ng mga Biyaya nang walang pasubali
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
