Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #31 Translated in Filipino

وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا بَاطِلًا ۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنَ النَّارِ
At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ng walang kadahilanan! Ito ang napag-aakala ng mga hindi sumasampalataya! Datapuwa’t kasawian sa mga walang pananampalataya (sa Islam at KaisahanniAllah) mulasaApoy(ng Impiyerno)
أَمْ نَجْعَلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَالْمُفْسِدِينَ فِي الْأَرْضِ أَمْ نَجْعَلُ الْمُتَّقِينَ كَالْفُجَّارِ
Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (sa Islam at Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan sa Mufsidun (mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan) sa kalupaan? Ituturing ba Namin ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah at nagsisikap na malayo sa kasamaan at umiiwas sa Kanyang ipinagbabawal) bilang mga Fujjar (tampalasan, kriminal, walang pananalig, buktot, buhong, atbp)
كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ إِلَيْكَ مُبَارَكٌ لِيَدَّبَّرُوا آيَاتِهِ وَلِيَتَذَكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ
Naririto ang isang Aklat (Qur’an) na Aming ipinanaog sa iyo na puspos ng biyaya, upang sila ay makapagmuni-muni sa mga Talata (Tanda) nito, at upang ang mga tao na may pang-unawa ay makatanggap ng paala- ala
وَوَهَبْنَا لِدَاوُودَ سُلَيْمَانَ ۚ نِعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ
At kay david ay Aming ibinigay si Solomon (bilang anak). Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siyaaylagingbumabalingsaAminsapagsisisi
إِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصَّافِنَاتُ الْجِيَادُ
Pagmasdan, itinambad sa kanyang harapan nang kinahapunan ang mga kabayo na lubos na sinanay at may mataas na lahi (na magagamit sa Jihad tungo sa Kapakanan ni Allah)

Choose other languages: