Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #22 Translated in Filipino

إِنَّا سَخَّرْنَا الْجِبَالَ مَعَهُ يُسَبِّحْنَ بِالْعَشِيِّ وَالْإِشْرَاقِ
Katotohanang Aming ginawa ang kabundukan na magsisambit ng mga pagpupuri sa Amin na kasama siya (david), sa sandali ng dapithapon at bukang liwayway
وَالطَّيْرَ مَحْشُورَةً ۖ كُلٌّ لَهُ أَوَّابٌ
At gayundin, ang mga ibon ay nagtitipon na kasama niya (david) at lumilingon kay Allah (sa pagluwalhati sa Kanyang Kapurihan)
وَشَدَدْنَا مُلْكَهُ وَآتَيْنَاهُ الْحِكْمَةَ وَفَصْلَ الْخِطَابِ
Aming pinatatag ang kanyang kaharian at siya ay ginawaran Namin ng karunungan at makatarungang paghatol sa pagsasalita at pagpapasya
وَهَلْ أَتَاكَ نَبَأُ الْخَصْمِ إِذْ تَسَوَّرُوا الْمِحْرَابَ
Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga May Usapin (Nagtatalo-talo)? Pagmasdan, nang sila ay umakyat sa bakod tungo sa (kanyang) Mihrab (isang lugar na pinagdarasalan o isang pribadong silid)
إِذْ دَخَلُوا عَلَىٰ دَاوُودَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ خَصْمَانِ بَغَىٰ بَعْضُنَا عَلَىٰ بَعْضٍ فَاحْكُمْ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَا إِلَىٰ سَوَاءِ الصِّرَاطِ
Nang sila ay tumungo kay david, siya ay nagulumihanan sa kanila, ngunit sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay dalawang (tao) na may usapin (pagtatalo), ang isa ay nakagawa ng kamalian sa isa, kaya’t kami ay iyong hatulan ng may katotohanan, at kami ay huwag mong turingan ng di-katarungan, datapuwa’t kami ay iyong gabayan sa Tuwid na Landas

Choose other languages: