Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #38 Translated in Filipino

وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ
At hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbabala sa isang bayan, na hindi nagsabi yaong mga ginawaran ng makamundong kayamanan at karangyaan (sa buhay na ito) ng: “Hindi kami naniniwala sa (Mensahe) na ipinadala sa iyo.”
وَقَالُوا نَحْنُ أَكْثَرُ أَمْوَالًا وَأَوْلَادًا وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ
At sila ay nagsasabi: “Kami ay higit na nag- aangkin ng mga kayamanan at mga anak na lalaki, at kami ay hindi mapaparusahan.”
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanan, ang aking Panginoon ang nagpaparami o naghihigpit ng biyayang panustos sa sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay walang kaalaman.”
وَمَا أَمْوَالُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ بِالَّتِي تُقَرِّبُكُمْ عِنْدَنَا زُلْفَىٰ إِلَّا مَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ لَهُمْ جَزَاءُ الضِّعْفِ بِمَا عَمِلُوا وَهُمْ فِي الْغُرُفَاتِ آمِنُونَ
At hindi ang inyong mga kayamanan o mga anak na lalaki ang magdadala sa inyo upang mapalapit kayo ng antas sa Amin (alalaong baga, ang nakakalugod kay Allah); nguni’t sila lamang na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan; sila ang gagantimpalaan ng maraming biyaya dahilan sa kanilang pag-uugali, at sila ay ligtas na mananahan sa matatayog na tirahan (Paraiso) sa katahimikan at kapanatagan
وَالَّذِينَ يَسْعَوْنَ فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ فِي الْعَذَابِ مُحْضَرُونَ
At sila na nagsisikap laban sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) upang sila ay siphayuin, sila ay ibibigay sa kaparusahan

Choose other languages: