Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #41 Translated in Filipino

وَمَا أَمْوَالُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ بِالَّتِي تُقَرِّبُكُمْ عِنْدَنَا زُلْفَىٰ إِلَّا مَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ لَهُمْ جَزَاءُ الضِّعْفِ بِمَا عَمِلُوا وَهُمْ فِي الْغُرُفَاتِ آمِنُونَ
At hindi ang inyong mga kayamanan o mga anak na lalaki ang magdadala sa inyo upang mapalapit kayo ng antas sa Amin (alalaong baga, ang nakakalugod kay Allah); nguni’t sila lamang na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan; sila ang gagantimpalaan ng maraming biyaya dahilan sa kanilang pag-uugali, at sila ay ligtas na mananahan sa matatayog na tirahan (Paraiso) sa katahimikan at kapanatagan
وَالَّذِينَ يَسْعَوْنَ فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ فِي الْعَذَابِ مُحْضَرُونَ
At sila na nagsisikap laban sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) upang sila ay siphayuin, sila ay ibibigay sa kaparusahan
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَهُوَ يُخْلِفُهُ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ
Ipagbadya: “Katotohanan, ang aking Panginoon ang nagpapasagana at nagpapadahop ng panustos na kabuhayan sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, at anumang bagay na gugulin ninyo (tungo sa Kapakanan ni Allah), katiyakang ito ay Kanyang pinapalitan, sapagkat Siya ang Pinakamainam sa lahat ng mga nagbibigay ng panustos
وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ يَقُولُ لِلْمَلَائِكَةِ أَهَٰؤُلَاءِ إِيَّاكُمْ كَانُوا يَعْبُدُونَ
At (alalahanin) ang Araw na Kanyang titipunin silang lahat, at sasabihin sa mga anghel: “Kayo ba ang mga sinasamba ng mga taong ito?”
قَالُوا سُبْحَانَكَ أَنْتَ وَلِيُّنَا مِنْ دُونِهِمْ ۖ بَلْ كَانُوا يَعْبُدُونَ الْجِنَّ ۖ أَكْثَرُهُمْ بِهِمْ مُؤْمِنُونَ
Sila (mga anghel) ay magsasabi: “Ang Kaluwalhatian ay sa Inyo! Kayo ang tunay naming wali (Panginoon, Tagapangalaga, Tagapagtanggol) at hindi sila. Hindi, sila ay sumamba sa mga Jinn; ang karamihan (sa mga tao) ay naniniwala sa kanila (mga Jinn).”

Choose other languages: