Surah Saba Ayahs #15 Translated in Filipino
أَنِ اعْمَلْ سَابِغَاتٍ وَقَدِّرْ فِي السَّرْدِ ۖ وَاعْمَلُوا صَالِحًا ۖ إِنِّي بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Na nag-uutos: “Gumawa ka ng pulidong baluti (kutamaya) na ganap na pantay ang mga sinsing ng kadenang baluti, at magsigawa kayo (mga tao) ng kabutihan. Katotohanang Ako ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa.”
وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهْرٌ وَرَوَاحُهَا شَهْرٌ ۖ وَأَسَلْنَا لَهُ عَيْنَ الْقِطْرِ ۖ وَمِنَ الْجِنِّ مَنْ يَعْمَلُ بَيْنَ يَدَيْهِ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَمَنْ يَزِغْ مِنْهُمْ عَنْ أَمْرِنَا نُذِقْهُ مِنْ عَذَابِ السَّعِيرِ
At kay Solomon, (Aming ipinailalim) ang hangin na maging masunurin sa kanya; ang kanyang umaga (na ang malalaking hakbang mula sa pagsikat ng araw hanggang sa tanghali) ay katumbas ng isang buwan (na paglalakbay); at ang kanyang gabi (na ang malalaking hakbang mula sa tanghali hanggang sa pagkiling ng araw sa takipsilim) ay katumbas ng isang buwan (na paglalakbay, alalaong baga, sa isang araw, siya ay makakapaglakbay ng katumbas ng dalawang buwang paglalakbay). At hinayaan Namin na ang Bukal ng (tunaw) na tanso ay umagos sa kanya, at mayroong mga Jinn na nagtatrabaho sa harapan niya, mula sa pahintulot ng kanyang Panginoon, at sinuman sa kanila ang sumuway sa Aming Pag-uutos, Aming hahayaan na malasap niya ang kaparusahan ng naglalagablab na Apoy
يَعْمَلُونَ لَهُ مَا يَشَاءُ مِنْ مَحَارِيبَ وَتَمَاثِيلَ وَجِفَانٍ كَالْجَوَابِ وَقُدُورٍ رَاسِيَاتٍ ۚ اعْمَلُوا آلَ دَاوُودَ شُكْرًا ۚ وَقَلِيلٌ مِنْ عِبَادِيَ الشَّكُورُ
Sila ay nagtrabaho sa kanya kung ano ang kanyang ninais (na gumagawa ng mga arko o matataas na silid, mga imahen, mga palanggana na kasinlaki ng imbakang balon, at mga [lutuang] kaldero na nakapirmi sa kanilang kinalalagyan). “Magsipagtrabaho kayo, o angkan ni david, ng may pasasalamat!” Datapuwa’t kakaunti sa kanila ang may pasasalamat
فَلَمَّا قَضَيْنَا عَلَيْهِ الْمَوْتَ مَا دَلَّهُمْ عَلَىٰ مَوْتِهِ إِلَّا دَابَّةُ الْأَرْضِ تَأْكُلُ مِنْسَأَتَهُ ۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ الْجِنُّ أَنْ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ الْغَيْبَ مَا لَبِثُوا فِي الْعَذَابِ الْمُهِينِ
At nang igawad Namin (kay Solomon) ang kanyang kamatayan, walang sinuman ang nagbalita sa kanila (mga Jinn) ng kanyang kamatayan, maliban sa isang maliit na uod sa lupa na patuloy na (marahang) ngumangatngat ng kanyang tungkod; kaya’t nang siya ay mapaupo, ang mga Jinn ay maliwanag na nakakita, na kung nalalaman lamang nila ang mga nakalingid na bagay, sila (sana) ay hindi nanatili sa kahiya-hiyang kaparusahan
لَقَدْ كَانَ لِسَبَإٍ فِي مَسْكَنِهِمْ آيَةٌ ۖ جَنَّتَانِ عَنْ يَمِينٍ وَشِمَالٍ ۖ كُلُوا مِنْ رِزْقِ رَبِّكُمْ وَاشْكُرُوا لَهُ ۚ بَلْدَةٌ طَيِّبَةٌ وَرَبٌّ غَفُورٌ
Katotohanang mayroon kay Saba (Sheba) ng isang Tanda sa kanilang tirahan, - dalawang halamanan sa kanan at sa kaliwa (at sa kanila ay ipinagbadya): “Inyong kainin ang panustos ng inyong Panginoon at tumanaw ng utang na loob sa Kanya; isang lugar na mabuti at masaya; at ang inyong Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
