Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #17 Translated in Filipino

يَعْمَلُونَ لَهُ مَا يَشَاءُ مِنْ مَحَارِيبَ وَتَمَاثِيلَ وَجِفَانٍ كَالْجَوَابِ وَقُدُورٍ رَاسِيَاتٍ ۚ اعْمَلُوا آلَ دَاوُودَ شُكْرًا ۚ وَقَلِيلٌ مِنْ عِبَادِيَ الشَّكُورُ
Sila ay nagtrabaho sa kanya kung ano ang kanyang ninais (na gumagawa ng mga arko o matataas na silid, mga imahen, mga palanggana na kasinlaki ng imbakang balon, at mga [lutuang] kaldero na nakapirmi sa kanilang kinalalagyan). “Magsipagtrabaho kayo, o angkan ni david, ng may pasasalamat!” Datapuwa’t kakaunti sa kanila ang may pasasalamat
فَلَمَّا قَضَيْنَا عَلَيْهِ الْمَوْتَ مَا دَلَّهُمْ عَلَىٰ مَوْتِهِ إِلَّا دَابَّةُ الْأَرْضِ تَأْكُلُ مِنْسَأَتَهُ ۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ الْجِنُّ أَنْ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ الْغَيْبَ مَا لَبِثُوا فِي الْعَذَابِ الْمُهِينِ
At nang igawad Namin (kay Solomon) ang kanyang kamatayan, walang sinuman ang nagbalita sa kanila (mga Jinn) ng kanyang kamatayan, maliban sa isang maliit na uod sa lupa na patuloy na (marahang) ngumangatngat ng kanyang tungkod; kaya’t nang siya ay mapaupo, ang mga Jinn ay maliwanag na nakakita, na kung nalalaman lamang nila ang mga nakalingid na bagay, sila (sana) ay hindi nanatili sa kahiya-hiyang kaparusahan
لَقَدْ كَانَ لِسَبَإٍ فِي مَسْكَنِهِمْ آيَةٌ ۖ جَنَّتَانِ عَنْ يَمِينٍ وَشِمَالٍ ۖ كُلُوا مِنْ رِزْقِ رَبِّكُمْ وَاشْكُرُوا لَهُ ۚ بَلْدَةٌ طَيِّبَةٌ وَرَبٌّ غَفُورٌ
Katotohanang mayroon kay Saba (Sheba) ng isang Tanda sa kanilang tirahan, - dalawang halamanan sa kanan at sa kaliwa (at sa kanila ay ipinagbadya): “Inyong kainin ang panustos ng inyong Panginoon at tumanaw ng utang na loob sa Kanya; isang lugar na mabuti at masaya; at ang inyong Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad
فَأَعْرَضُوا فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ سَيْلَ الْعَرِمِ وَبَدَّلْنَاهُمْ بِجَنَّتَيْهِمْ جَنَّتَيْنِ ذَوَاتَيْ أُكُلٍ خَمْطٍ وَأَثْلٍ وَشَيْءٍ مِنْ سِدْرٍ قَلِيلٍ
Datapuwa’t nagsitalikod sila (sa pagsunod kay Allah), kaya’t ipinadala Namin laban sa kanila ang Sail Al-Arim (baha [tubig] na [pinawalan] mula sa mga prinsa o dam), at Aming ginawa ang kanilang dalawang halamanan na mamunga ng mapapait na bungangkahoy, at ng tamarisko, at ilang punong lote
ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُمْ بِمَا كَفَرُوا ۖ وَهَلْ نُجَازِي إِلَّا الْكَفُورَ
Ito ang ganti na Aming ibinigay sa kanila sapagkat sila ay walang utang na loob at nagtatakwil ng pananampalataya. At hindi kailanman Kami naniningil sa gayong paraan maliban sa mga walang pasasalamat at walang pananalig

Choose other languages: