Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #69 Translated in Filipino

رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ ۚ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا
Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kaya’t (tanging) sambahin lamang Siya at maging matimtiman at matiyaga sa pagsamba sa Kanya. Kayo baga ay nakakaalam sa sinuman na katulad Niya? (di nga kasi, walang sinuman ang katulad o katapat Niya o maaaring maiwangki sa Kanya at wala Siyang katambal sa Kanyang pagka-Diyos; ‘Walang sinuman ang makakatulad Niya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid’)
وَيَقُولُ الْإِنْسَانُ أَإِذَا مَا مِتُّ لَسَوْفَ أُخْرَجُ حَيًّا
At ang tao (na walang pananalig) ay nagsasabi: “Kung ako ba ay patay na, ako baga ay muling ibabangong (muli) sa pagkabuhay?”
أَوَلَا يَذْكُرُ الْإِنْسَانُ أَنَّا خَلَقْنَاهُ مِنْ قَبْلُ وَلَمْ يَكُ شَيْئًا
Hindi baga nagugunita ng tao na siya ay Aming nilikha noon, habang siya ay (mula) sa wala
فَوَرَبِّكَ لَنَحْشُرَنَّهُمْ وَالشَّيَاطِينَ ثُمَّ لَنُحْضِرَنَّهُمْ حَوْلَ جَهَنَّمَ جِثِيًّا
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon, katiyakang sila ay Aming titipunin nang sama-sama, at (gayundin) ang mga demonyo (na kasama nila), at sila ay Aming itatambad sa Impiyerno na lumiligid sa kanilang mga tuhod
ثُمَّ لَنَنْزِعَنَّ مِنْ كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمْ أَشَدُّ عَلَى الرَّحْمَٰنِ عِتِيًّا
At katotohanan, Amin silang kakaladkarin mula sa bawat sekta, silang lahat na pinakamasama sa matigas na paghihimagsik, laban sa Pinakamapagbigay (Allah)

Choose other languages: