Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #72 Translated in Filipino

فَوَرَبِّكَ لَنَحْشُرَنَّهُمْ وَالشَّيَاطِينَ ثُمَّ لَنُحْضِرَنَّهُمْ حَوْلَ جَهَنَّمَ جِثِيًّا
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon, katiyakang sila ay Aming titipunin nang sama-sama, at (gayundin) ang mga demonyo (na kasama nila), at sila ay Aming itatambad sa Impiyerno na lumiligid sa kanilang mga tuhod
ثُمَّ لَنَنْزِعَنَّ مِنْ كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمْ أَشَدُّ عَلَى الرَّحْمَٰنِ عِتِيًّا
At katotohanan, Amin silang kakaladkarin mula sa bawat sekta, silang lahat na pinakamasama sa matigas na paghihimagsik, laban sa Pinakamapagbigay (Allah)
ثُمَّ لَنَحْنُ أَعْلَمُ بِالَّذِينَ هُمْ أَوْلَىٰ بِهَا صِلِيًّا
At katotohanan, ganap Naming batid sila na karapat-dapat na masunog dito
وَإِنْ مِنْكُمْ إِلَّا وَارِدُهَا ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتْمًا مَقْضِيًّا
At walang sinuman sa inyo ang hindi magdaraan (tatawid) sa ibabaw nito (Impiyerno); ito ay nasa kapasiyahan ng iyong Panginoon, isang Pag-uutos na marapat na matupad
ثُمَّ نُنَجِّي الَّذِينَ اتَّقَوْا وَنَذَرُ الظَّالِمِينَ فِيهَا جِثِيًّا
At Aming ililigtas sila na may pangangamba kay Allah at naging masunurin sa Amin. At Aming hahayaan ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buhong, buktot, atbp.) dito, na (nanggigipuspos) sa kanilang mga tuhod (sa Impiyerno)

Choose other languages: