Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #42 Translated in Filipino

أَسْمِعْ بِهِمْ وَأَبْصِرْ يَوْمَ يَأْتُونَنَا ۖ لَٰكِنِ الظَّالِمُونَ الْيَوْمَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Gaano kaliwanag na kanilang (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) mamamalas at maririnig, sa Araw na sila ay haharap na sa Amin! Datapuwa’t ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp.) sa ngayon ay nasa lantad na kamalian
وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الْأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
At sila ay iyong bigyan ng babala (o Muhammad), ng Araw ng dalamhati at Pagsisisi, kung ang pangyayari ay napagpasyahan na, habang (sila ngayon) ay nasa kalagayan nang pagwawalang bahala at sila ay hindi sumasampalataya
إِنَّا نَحْنُ نَرِثُ الْأَرْضَ وَمَنْ عَلَيْهَا وَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Katotohanang Kami ang magmamana sa kalupaan at anumang naroroon, at sa Amin ang kanilang pagbabalik
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِبْرَاهِيمَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ يَا أَبَتِ لِمَ تَعْبُدُ مَا لَا يَسْمَعُ وَلَا يُبْصِرُ وَلَا يُغْنِي عَنْكَ شَيْئًا
Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “o aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman

Choose other languages: