Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #44 Translated in Filipino

إِنَّا نَحْنُ نَرِثُ الْأَرْضَ وَمَنْ عَلَيْهَا وَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Katotohanang Kami ang magmamana sa kalupaan at anumang naroroon, at sa Amin ang kanilang pagbabalik
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِبْرَاهِيمَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ يَا أَبَتِ لِمَ تَعْبُدُ مَا لَا يَسْمَعُ وَلَا يُبْصِرُ وَلَا يُغْنِي عَنْكَ شَيْئًا
Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “o aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman
يَا أَبَتِ إِنِّي قَدْ جَاءَنِي مِنَ الْعِلْمِ مَا لَمْ يَأْتِكَ فَاتَّبِعْنِي أَهْدِكَ صِرَاطًا سَوِيًّا
O aking ama ! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas
يَا أَبَتِ لَا تَعْبُدِ الشَّيْطَانَ ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ عَصِيًّا
O aking ama! Huwag ninyong sambahin si Satanas. Katotohanang siya ay isang mapaghimagsik laban sa Pinakamapagbigay (Allah)

Choose other languages: