Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #47 Translated in Filipino

يَا أَبَتِ إِنِّي قَدْ جَاءَنِي مِنَ الْعِلْمِ مَا لَمْ يَأْتِكَ فَاتَّبِعْنِي أَهْدِكَ صِرَاطًا سَوِيًّا
O aking ama ! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas
يَا أَبَتِ لَا تَعْبُدِ الشَّيْطَانَ ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ عَصِيًّا
O aking ama! Huwag ninyong sambahin si Satanas. Katotohanang siya ay isang mapaghimagsik laban sa Pinakamapagbigay (Allah)
يَا أَبَتِ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يَمَسَّكَ عَذَابٌ مِنَ الرَّحْمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيْطَانِ وَلِيًّا
o aking ama ! Katotohanang ako ay nangangamba, baka mangyari, na ang Kaparusahan ng Pinakamapagbigay (Allah) ay mabunsod sa inyo, at kayo ay magiging kasamahan ni Satanas (sa Apoy ng Impiyerno).”
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنْتَ عَنْ آلِهَتِي يَا إِبْرَاهِيمُ ۖ لَئِنْ لَمْ تَنْتَهِ لَأَرْجُمَنَّكَ ۖ وَاهْجُرْنِي مَلِيًّا
Siya (ang ama ni Abraham) ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham? Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin. Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay maparusahan.”
قَالَ سَلَامٌ عَلَيْكَ ۖ سَأَسْتَغْفِرُ لَكَ رَبِّي ۖ إِنَّهُ كَانَ بِي حَفِيًّا
Si Abraham ay nagsabi: “Ang kapayapaan ay sumainyo! Ako ay hihingi ng Kapatawaran para sa inyo mula sa aking Panginoon. Katotohanang Siya ay lagi nang sa akin ay Pinakamapagbigay

Choose other languages: