Surah Maryam Ayahs #39 Translated in Filipino
مَا كَانَ لِلَّهِ أَنْ يَتَّخِذَ مِنْ وَلَدٍ ۖ سُبْحَانَهُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ
Hindi isang katampatan (sa Kamahalan ni) Allah na Siya ay magkaanak ng isang lalaki (ito ay tungkol sa paninirang puri ng mga Kristiyano laban kay Allah sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah). Tunay Siyang Maluwalhati (at Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinatambal sa Kanya). Kung Siya ay magtakda ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng “Mangyari nga” at ito ay magaganap
وَإِنَّ اللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ
(Si Hesus ay nagsabi): “At katotohanang si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya’t (tanging) sambahin Siya. Ito ang Tuwid na Landas (ang Relihiyon ni Allah, ang Islam na Kanyang ipinag-utos sa lahat ng Kanyang mga Propeta)
فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِنْ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ مَشْهَدِ يَوْمٍ عَظِيمٍ
At ang mga sekta ay nagkaiba- iba (alalaong baga, ang mga Kristiyano tungkol kay Hesus), kaya’t kasawian sa mga hindi sumasampalataya (sila na nagbibigay ng mga huwad na pagsaksi sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah), sa Pakikipagtipan ng Dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, kung kailan sila ay ihahagis sa naglalagablab na Apoy)
أَسْمِعْ بِهِمْ وَأَبْصِرْ يَوْمَ يَأْتُونَنَا ۖ لَٰكِنِ الظَّالِمُونَ الْيَوْمَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Gaano kaliwanag na kanilang (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) mamamalas at maririnig, sa Araw na sila ay haharap na sa Amin! Datapuwa’t ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp.) sa ngayon ay nasa lantad na kamalian
وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الْأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
At sila ay iyong bigyan ng babala (o Muhammad), ng Araw ng dalamhati at Pagsisisi, kung ang pangyayari ay napagpasyahan na, habang (sila ngayon) ay nasa kalagayan nang pagwawalang bahala at sila ay hindi sumasampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
