Quran Apps in many lanuages:

Surah Luqman Ayahs #15 Translated in Filipino

هَٰذَا خَلْقُ اللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ بَلِ الظَّالِمُونَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ito ang Likha ni Allah. Ngayon, ipamalas ninyo sa Akin kung anong bagay ang nilikha nila (mga diyus-diyosan na inyong sinasamba) bukod pa ang sa Akin. Hindi, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaglabag sa mga utos, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah), ay nasa hayag na kamalian
وَلَقَدْ آتَيْنَا لُقْمَانَ الْحِكْمَةَ أَنِ اشْكُرْ لِلَّهِ ۚ وَمَنْ يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ
At katiyakang Kami ay nagkaloob noon ng Al-Hikmah (karunungan at pananampalatayang pang-unawa, atbp.) kay Luqman na nagsasabi: “Magbigay ka ng pasasalamat kay Allah.” Sinuman ang magbigay ng damdamin ng pasasalamat, siya ay nagbigay (ng kabutihan) at gumawa ng kapakinabangan sa kanyang kaluluwa, datapuwa’t kung sinuman ang walang utang na loob, katotohanang si Allah ay Sagana (hindi nangangailangan ng anuman) at karapat- dapat sa Kanya ang lahat ng pagpupuri
وَإِذْ قَالَ لُقْمَانُ لِابْنِهِ وَهُوَ يَعِظُهُ يَا بُنَيَّ لَا تُشْرِكْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ
Pagmalasin! Nang si Luqman ay nagsabi sa kanyang anak (na lalaki) nang may pangangaral: “O aking anak! Huwag kang magtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah; katotohanan, ang pagtatambal sa pagsamba sa iba pa kay Allah ay katiyakang Zulm (pinakamatinding kamalian).”
وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَالُهُ فِي عَامَيْنِ أَنِ اشْكُرْ لِي وَلِوَالِدَيْكَ إِلَيَّ الْمَصِيرُ
At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan, at inawat siya (sa pagpapasuso) pagkatapos ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang; - sa Akin ang inyong huling hantungan
وَإِنْ جَاهَدَاكَ عَلَىٰ أَنْ تُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۖ وَصَاحِبْهُمَا فِي الدُّنْيَا مَعْرُوفًا ۖ وَاتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَيَّ ۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Datapuwa’t kung sila (magulang) ay magsikhay upang ikaw ay magtambal ng iba pa sa pagsamba sa Akin sa mga bagay na wala kayong kaalaman; sila ay huwag ninyong sundin, datapuwa’t maging mabuti kayo sa kanila sa mundong ito, at sundin ninyo ang landas ng sinumang nagbabalik loob sa Akin sa pagsisisi at pagsunod. Sa katapusan, ang hantungan ninyong lahat ay sa Akin, at sa inyo ay Aking ipagtuturing ang inyong ginawa

Choose other languages: