Surah Luqman Ayahs #17 Translated in Filipino
وَإِذْ قَالَ لُقْمَانُ لِابْنِهِ وَهُوَ يَعِظُهُ يَا بُنَيَّ لَا تُشْرِكْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ
Pagmalasin! Nang si Luqman ay nagsabi sa kanyang anak (na lalaki) nang may pangangaral: “O aking anak! Huwag kang magtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah; katotohanan, ang pagtatambal sa pagsamba sa iba pa kay Allah ay katiyakang Zulm (pinakamatinding kamalian).”
وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَالُهُ فِي عَامَيْنِ أَنِ اشْكُرْ لِي وَلِوَالِدَيْكَ إِلَيَّ الْمَصِيرُ
At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan, at inawat siya (sa pagpapasuso) pagkatapos ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang; - sa Akin ang inyong huling hantungan
وَإِنْ جَاهَدَاكَ عَلَىٰ أَنْ تُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۖ وَصَاحِبْهُمَا فِي الدُّنْيَا مَعْرُوفًا ۖ وَاتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَيَّ ۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Datapuwa’t kung sila (magulang) ay magsikhay upang ikaw ay magtambal ng iba pa sa pagsamba sa Akin sa mga bagay na wala kayong kaalaman; sila ay huwag ninyong sundin, datapuwa’t maging mabuti kayo sa kanila sa mundong ito, at sundin ninyo ang landas ng sinumang nagbabalik loob sa Akin sa pagsisisi at pagsunod. Sa katapusan, ang hantungan ninyong lahat ay sa Akin, at sa inyo ay Aking ipagtuturing ang inyong ginawa
يَا بُنَيَّ إِنَّهَا إِنْ تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ فَتَكُنْ فِي صَخْرَةٍ أَوْ فِي السَّمَاوَاتِ أَوْ فِي الْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ
(Sinabi ni Luqman): “O aking anak! Kung mayroong (bigat) na katumbas ang isang butil ng buto ng mustasa at ito (ay nakatago) sa batuhan, o (saan man) sa kalangitan at kalupaan; si Allah ang magbubunyag (magpapatubo) nito. Katotohanang si Allah ay Bihasa (sa pagpapatubo ng gayong butil) at Ganap na Nakakaalam ng kanyang kinalalagyan.”
يَا بُنَيَّ أَقِمِ الصَّلَاةَ وَأْمُرْ بِالْمَعْرُوفِ وَانْهَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا أَصَابَكَ ۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ
“o aking anak! Magsagawa ka ng palagiang pagdarasal (nang mahinusay), ipagtagubilin mo ang Al-Ma’ruf (pananalig sa Kaisahan ni Allah at Islam, sa lahat ng mabuti at makatarungan), at iyong ipagbawal ang Al-Munkar (alalaong baga, ang kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng uri ng kasamaan, kasalanan at kamalian); at ikaw ay maging matimtiman sa pagtitiyaga sa anupamang dumatal sa iyo.” Katotohanang ito ang ilan sa mahahalagang pag- uutos ni Allah na walang pasubali
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
