Quran Apps in many lanuages:

Surah Luqman Ayahs #20 Translated in Filipino

يَا بُنَيَّ إِنَّهَا إِنْ تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ فَتَكُنْ فِي صَخْرَةٍ أَوْ فِي السَّمَاوَاتِ أَوْ فِي الْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ
(Sinabi ni Luqman): “O aking anak! Kung mayroong (bigat) na katumbas ang isang butil ng buto ng mustasa at ito (ay nakatago) sa batuhan, o (saan man) sa kalangitan at kalupaan; si Allah ang magbubunyag (magpapatubo) nito. Katotohanang si Allah ay Bihasa (sa pagpapatubo ng gayong butil) at Ganap na Nakakaalam ng kanyang kinalalagyan.”
يَا بُنَيَّ أَقِمِ الصَّلَاةَ وَأْمُرْ بِالْمَعْرُوفِ وَانْهَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا أَصَابَكَ ۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ
“o aking anak! Magsagawa ka ng palagiang pagdarasal (nang mahinusay), ipagtagubilin mo ang Al-Ma’ruf (pananalig sa Kaisahan ni Allah at Islam, sa lahat ng mabuti at makatarungan), at iyong ipagbawal ang Al-Munkar (alalaong baga, ang kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng uri ng kasamaan, kasalanan at kamalian); at ikaw ay maging matimtiman sa pagtitiyaga sa anupamang dumatal sa iyo.” Katotohanang ito ang ilan sa mahahalagang pag- uutos ni Allah na walang pasubali
وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ
At huwag mong patambukin ang iyong pisngi sa harap ng mga tao (ng may kapalaluan), at huwag kang maglakad sa kalupaan ng may kabastusan, katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at mapagpaimbabaw
وَاقْصِدْ فِي مَشْيِكَ وَاغْضُضْ مِنْ صَوْتِكَ ۚ إِنَّ أَنْكَرَ الْأَصْوَاتِ لَصَوْتُ الْحَمِيرِ
At maging banayad sa iyong paglakad (at huwag magpamalas ng pagmamalaki) at ibaba mo ang iyong tinig. Katotohanan, ang pinakamagaspang (magaralgal) sa lahat ng tinig ay ang pag-iingay ng mga asno
أَلَمْ تَرَوْا أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُ ظَاهِرَةً وَبَاطِنَةً ۗ وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ
Hindi baga ninyo napagmamasdan (O sangkatauhan) na ipinailalim ni Allah ang lahat ng bagay para sa inyong (gamit) dito sa kalangitan at kalupaan, at iginawad Niya at ginanap ang Kanyang mga biyaya na tigib na dumadaloy sa inyo sa angkop na sukat, (na kapwa) lantad (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, at ang mga pinahihintulutang ligaya sa mundong ito, kasama na rito ang kalusugan, kayamanan, kagandahan, atbp.) at nalilingid (ang pananampalataya ng sinuman kay Allah [at sa Islam], kaalaman, karunungan, patnubay, paggawa ng kabutihan, at gayundin ang kasiyahan sa Kabilang Buhay sa Paraiso, atbp.)? Datapuwa’t mayroong mga tao sa kanilang karamihan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na magbibigay ng kaliwanagan

Choose other languages: