Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #5 Translated in Filipino

الر ۚ كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ إِلَيْكَ لِتُخْرِجَ النَّاسَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِ رَبِّهِمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْعَزِيزِ الْحَمِيدِ
Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). Ito ay isang Aklat na Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) upang iyong mapatnubayan ang sangkatauhan mula sa kadiliman (kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) tungo sa liwanag (pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon tungo sa Landas ng Pinakamakapangyarihan, ang Nag-aangkin ng lahat ng mga Pagpupuri
اللَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَوَيْلٌ لِلْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ شَدِيدٍ
Si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan! At kasawian sa mga hindi sumasampalataya sa daratal na matinding kaparusahan (sa kanila)
الَّذِينَ يَسْتَحِبُّونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا عَلَى الْآخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ
Sila na higit na minamabuti ang buhay sa mundong ito kaysa sa Kabilang Buhay, at humahadlang (sa mga tao) sa Landas ni Allah (alalaong baga, sa Islam) at naghahanap ng kalikuan dito, - sila nga ang napaligaw nang malayo
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوْمِهِ لِيُبَيِّنَ لَهُمْ ۖ فَيُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita maliban sa wika ng kanyang pamayanan, upang kanyang maiparating (ang Mensahe) nang malinaw sa kanila. At si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا أَنْ أَخْرِجْ قَوْمَكَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ وَذَكِّرْهُمْ بِأَيَّامِ اللَّهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
At katotohanang isinugo Namin si Moises na may dalang Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.) mula sa Amin (na nagsasabi): “Hanguin mo ang iyong pamayanan mula sa kadiliman tungo sa liwanag, at gawin mong maala- ala nila ang mga salaysay (ng kasaysayan) ni Allah. Tunay ngang sa mga ito ay mayroong mga katibayan, katotohanan at tanda sa bawat mapagtiis at mapagpasalamat (na tao)

Choose other languages: