Surah Ibrahim Ayahs #7 Translated in Filipino
الَّذِينَ يَسْتَحِبُّونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا عَلَى الْآخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ
Sila na higit na minamabuti ang buhay sa mundong ito kaysa sa Kabilang Buhay, at humahadlang (sa mga tao) sa Landas ni Allah (alalaong baga, sa Islam) at naghahanap ng kalikuan dito, - sila nga ang napaligaw nang malayo
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوْمِهِ لِيُبَيِّنَ لَهُمْ ۖ فَيُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita maliban sa wika ng kanyang pamayanan, upang kanyang maiparating (ang Mensahe) nang malinaw sa kanila. At si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا أَنْ أَخْرِجْ قَوْمَكَ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ وَذَكِّرْهُمْ بِأَيَّامِ اللَّهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
At katotohanang isinugo Namin si Moises na may dalang Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.) mula sa Amin (na nagsasabi): “Hanguin mo ang iyong pamayanan mula sa kadiliman tungo sa liwanag, at gawin mong maala- ala nila ang mga salaysay (ng kasaysayan) ni Allah. Tunay ngang sa mga ito ay mayroong mga katibayan, katotohanan at tanda sa bawat mapagtiis at mapagpasalamat (na tao)
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ أَنْجَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ
At (gunitain) nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “Isaisip ninyo ang mga kagandahang loob (tulong) sa inyo ni Allah nang Kanyang iligtas kayo sa mga tao ni Paraon na nagbibigay sa inyo ng kahila-hilakbot na pagpaparusa at pumapatay sa inyong mga anak na lalaki at hinahayaan na buhay ang mga babae, at sa mga ito ay may matinding pagsubok mula sa inyong Panginoon.”
وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكُمْ لَئِنْ شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ ۖ وَلَئِنْ كَفَرْتُمْ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٌ
At (gunitain) nang ipahayag ng inyong Panginoon sa madla: “Kung kayo ay may utang na loob ng pasasalamat (sa pamamagitan nang pagtanggap sa Pananalig at pagsamba lamang kay Allah), kayo ay higit Kong pagkakalooban (ng Aking mga Biyaya), subalit kung kayo ay walang pasasalamat (alalaong baga, walang pananampalataya), katotohanan, ang Aking parusa ay tunay na matindi.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
