Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #22 Translated in Filipino

مَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ أَعْمَالُهُمْ كَرَمَادٍ اشْتَدَّتْ بِهِ الرِّيحُ فِي يَوْمٍ عَاصِفٍ ۖ لَا يَقْدِرُونَ مِمَّا كَسَبُوا عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الضَّلَالُ الْبَعِيدُ
Ang kahalintulad nga ng mga hindi sumasampalataya sa kanilang Panginoon; ang kanilang mga gawa ay tulad ng abo, na hinipan ng humahagupit na hangin sa araw na bumabagyo, sila ay hindi maaaring makakuha ng anuman sa bagay na kanilang kinita. Ito ang pagkapariwara na lubhang malayo (sa Matuwid na Landas)
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَأْتِ بِخَلْقٍ جَدِيدٍ
Hindi baga ninyo napagmamalas na nilikha ni Allah ang mga kalangitan at kalupaan sa Katotohanan! Kung Kanyang naisin, kayo ay matatanggal Niya at maipapalit (sa halip ninyo) ang ibang nilikha
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ بِعَزِيزٍ
At para kay Allah, ito ay hindi mahirap o mabigat (alalaong baga, tunay na lubhang magaan para sa Kanya)
وَبَرَزُوا لِلَّهِ جَمِيعًا فَقَالَ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا مِنْ عَذَابِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ قَالُوا لَوْ هَدَانَا اللَّهُ لَهَدَيْنَاكُمْ ۖ سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَجَزِعْنَا أَمْ صَبَرْنَا مَا لَنَا مِنْ مَحِيصٍ
At silang lahat ay tatambad sa harapan ni Allah (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at ang mga mahina ay mangungusap sa mga palalong (pinuno): “Katotohanan, aming sinunod kayo, kami ba ay matutulungan ninyo kahit na ano lamang sa kaparusahan ni Allah?” Sila ay magsasabi: “Kung kami ay pinatnubayan ni Allah, kayo sana ay aming napatnubayan. wala ng halaga sa atin (ngayon) kung tayo man ay mapoot, o ang magbata (ng mga parusang ito) ng may pagtitiis, walang lugar ng kaligtasan para sa atin.”
وَقَالَ الشَّيْطَانُ لَمَّا قُضِيَ الْأَمْرُ إِنَّ اللَّهَ وَعَدَكُمْ وَعْدَ الْحَقِّ وَوَعَدْتُكُمْ فَأَخْلَفْتُكُمْ ۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيْكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا أَنْ دَعَوْتُكُمْ فَاسْتَجَبْتُمْ لِي ۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوا أَنْفُسَكُمْ ۖ مَا أَنَا بِمُصْرِخِكُمْ وَمَا أَنْتُمْ بِمُصْرِخِيَّ ۖ إِنِّي كَفَرْتُ بِمَا أَشْرَكْتُمُونِ مِنْ قَبْلُ ۗ إِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At si Satanas ay mangungusap kung ang bagay ay napagpasyahan na: “Tunay ngang si Allah ay nangako sa inyo ng pangako ng Katotohanan. At ako rin ay nangako sa inyo, nguni’t aking ipinagkaluno kayo. Ako ay walang kapamahalaan sa inyo, maliban na kayo ay aking inakit, at kayo ay sumunod sa akin. Kaya’t huwag ninyo akong sisihin, bagkus ay sisihin ninyo ang inyong sarili. Kayo ay hindi ko matutulungan, gayundin, ako ay hindi ninyo matutulungan. Itinatanggi ko ang inyong (dating) gawain ng pagtatambal ninyo sa akin (Satanas) kay Allah (sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa akin sa buhay sa mundong ito). Katotohanang may kasakit-sakit na kaparusahan sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, walang pananalig, buktot, atbp.).”

Choose other languages: