Surah Ibrahim Ayahs #21 Translated in Filipino
يَتَجَرَّعُهُ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُ وَيَأْتِيهِ الْمَوْتُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِنْ وَرَائِهِ عَذَابٌ غَلِيظٌ
Iinumin niya ito nang laban sa kanyang kalooban, at makadarama siya ng matinding kahirapan sa paglunok nito pababa sa kanyang lalamunan, at ang kamatayan ay daratal sa kanya sa bawat panig, gayunpaman, siya ay hindi mamamatay at sa harapan niya ay may matinding pagpaparusa
مَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ أَعْمَالُهُمْ كَرَمَادٍ اشْتَدَّتْ بِهِ الرِّيحُ فِي يَوْمٍ عَاصِفٍ ۖ لَا يَقْدِرُونَ مِمَّا كَسَبُوا عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الضَّلَالُ الْبَعِيدُ
Ang kahalintulad nga ng mga hindi sumasampalataya sa kanilang Panginoon; ang kanilang mga gawa ay tulad ng abo, na hinipan ng humahagupit na hangin sa araw na bumabagyo, sila ay hindi maaaring makakuha ng anuman sa bagay na kanilang kinita. Ito ang pagkapariwara na lubhang malayo (sa Matuwid na Landas)
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَأْتِ بِخَلْقٍ جَدِيدٍ
Hindi baga ninyo napagmamalas na nilikha ni Allah ang mga kalangitan at kalupaan sa Katotohanan! Kung Kanyang naisin, kayo ay matatanggal Niya at maipapalit (sa halip ninyo) ang ibang nilikha
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ بِعَزِيزٍ
At para kay Allah, ito ay hindi mahirap o mabigat (alalaong baga, tunay na lubhang magaan para sa Kanya)
وَبَرَزُوا لِلَّهِ جَمِيعًا فَقَالَ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا مِنْ عَذَابِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ قَالُوا لَوْ هَدَانَا اللَّهُ لَهَدَيْنَاكُمْ ۖ سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَجَزِعْنَا أَمْ صَبَرْنَا مَا لَنَا مِنْ مَحِيصٍ
At silang lahat ay tatambad sa harapan ni Allah (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at ang mga mahina ay mangungusap sa mga palalong (pinuno): “Katotohanan, aming sinunod kayo, kami ba ay matutulungan ninyo kahit na ano lamang sa kaparusahan ni Allah?” Sila ay magsasabi: “Kung kami ay pinatnubayan ni Allah, kayo sana ay aming napatnubayan. wala ng halaga sa atin (ngayon) kung tayo man ay mapoot, o ang magbata (ng mga parusang ito) ng may pagtitiis, walang lugar ng kaligtasan para sa atin.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
