Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #96 Translated in Filipino

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَهْطِي أَعَزُّ عَلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَاتَّخَذْتُمُوهُ وَرَاءَكُمْ ظِهْرِيًّا ۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعْمَلُونَ مُحِيطٌ
Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Ang aking pamilya baga ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah? Sapagkat inyong itinaboy Siya sa inyong likuran (sa pagsuway). Datapuwa’t katotohanan, ang aking Panginoon ang nakakapaligid sa lahat ninyong ginagawa
وَيَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ سَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَمَنْ هُوَ كَاذِبٌ ۖ وَارْتَقِبُوا إِنِّي مَعَكُمْ رَقِيبٌ
At aking pamayanan! Kumilos kayo nang ayon sa inyong kakayahan at paraan at gagawin ko ang aking paraan. Hindi magtatagal ay inyong mapag-aalaman kung sino ang sasapitin ng kaparusahan na kadusta- dustang babalot sa kanya, at kung sino ang sinungaling! At magmanman kayo! Katotohanan, ako rin ay nagmamasid na kasama ninyo.”
وَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا شُعَيْبًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَأَخَذَتِ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ
At nang ang Aming Pag-uutos ay dumatal, iniligtas Namin si Shuaib at ang mga tao na nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin. At ang kalagim- lagim na Panaghoy ay sumakmal sa mga buktot, at sila ay mga patay na nakahandusay na nalulugmok sa kanilang mga tahanan
كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا بُعْدًا لِمَدْيَنَ كَمَا بَعِدَتْ ثَمُودُ
Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon! Kaya’t lumayo sa Madyan (Midian)! Katulad din nang paglayo kay Thamud! (Ang lahat ng mga bansa o pamayanang ito ay winasak)
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُبِينٍ
At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), at isang lantad na kapamahalaan

Choose other languages: