Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #90 Translated in Filipino

بَقِيَّتُ اللَّهِ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ ۚ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِحَفِيظٍ
Kung ano ang ibahagi sa inyo ni Allah (matapos ninyong ibigay ang karapatan ng mga tao), ito ay higit na mabuti sa inyo kung kayo ay nananampalataya. At ako ay hindi itinalaga sa inyo bilang inyong tagapangalaga.”
قَالُوا يَا شُعَيْبُ أَصَلَاتُكَ تَأْمُرُكَ أَنْ نَتْرُكَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا أَوْ أَنْ نَفْعَلَ فِي أَمْوَالِنَا مَا نَشَاءُ ۖ إِنَّكَ لَأَنْتَ الْحَلِيمُ الرَّشِيدُ
Sila ay nagsabi: “o Shuaib! Ang iyo bang mga pagdalangin ay nag-uutos na aming talikdan ang sinasamba ng aming mga ninuno o kaya ay aming talikuran ang nais naming gawin sa aming ari-arian. Katotohanang ikaw ay matiisin at may tamang pag-iisip!” (Ito ay sinasabi nila ng may panunuya)
قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَرَزَقَنِي مِنْهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أُخَالِفَكُمْ إِلَىٰ مَا أَنْهَاكُمْ عَنْهُ ۚ إِنْ أُرِيدُ إِلَّا الْإِصْلَاحَ مَا اسْتَطَعْتُ ۚ وَمَا تَوْفِيقِي إِلَّا بِاللَّهِ ۚ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ
Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sabihin ninyo saakin, kungakoaymayroongmaliwanagnakatibayanmula sa aking Panginoon, at biniyayaan niya ako ng mabuting panustos mula sa Kanyang Sarili (pasasamain ko ba ito sa pamamagitan ng paghahalo rito ng hindi pinahihintulutang salapi [ilegal na kita]). Hindi ko nais bilang pagsalansang sa inyo na aking gawin ang mga bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. Hinahangad ko lamang ang inyong kapakanan (pagbabago) sa abot ng aking makakaya. At ang aking patnubay ay hindi nanggagaling (sa iba pa) maliban lamang kay Allah, sa Kanya ako ay nananalig, at sa Kanya ako ay nagsisisi
وَيَا قَوْمِ لَا يَجْرِمَنَّكُمْ شِقَاقِي أَنْ يُصِيبَكُمْ مِثْلُ مَا أَصَابَ قَوْمَ نُوحٍ أَوْ قَوْمَ هُودٍ أَوْ قَوْمَ صَالِحٍ ۚ وَمَا قَوْمُ لُوطٍ مِنْكُمْ بِبَعِيدٍ
O aking pamayanan! Huwag hayaan ang aking Shiqaq (pagkakahiwalay, pagkakasalungat, pagkapoot, pagtanggi, atbp. dahil sa inyong kawalan ng pananalig kay Allah at sa inyong pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ang maging dahilan upang tamuhin ninyo ang kinahinatnan ng mga tao ni Noe o ni Hud o ni Salih, at ang mga tao ni Lut ay hindi malayo sa inyo
وَاسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٌ وَدُودٌ
At humingi kayo ng pagpapatawad sa inyong Panginoon at bumaling kayo sa Kanya sa pagsisisi. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Pinakamaawain, ang Pinakamapagmahal.”

Choose other languages: