Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #87 Translated in Filipino

مُسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَ ۖ وَمَا هِيَ مِنَ الظَّالِمِينَ بِبَعِيدٍ
Na minarkahan mula sa iyong Panginoon, at sila ay hindi malayo sa Zalimun (mga buhong sa kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp)
وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ وَلَا تَنْقُصُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ ۚ إِنِّي أَرَاكُمْ بِخَيْرٍ وَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُحِيطٍ
At sa pamayanan ng Madyan (Midian) ay isinugo Namin ang kanilang kapatid na si Shuaib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin si Allah, wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya, at huwag magbigay ng kapos na sukat o timbang, kayo ay aking nakikita sa pananagana; at katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng Araw na sumasakop
وَيَا قَوْمِ أَوْفُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
At akingpamayanan! Magbigaynghustongsukatattimbangng may katarungan at huwag bawasan ang bagay na nararapat sa mga tao, at huwag kayong gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, na siyang nagiging dahilan ng katiwalian (kasamaan)
بَقِيَّتُ اللَّهِ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ ۚ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِحَفِيظٍ
Kung ano ang ibahagi sa inyo ni Allah (matapos ninyong ibigay ang karapatan ng mga tao), ito ay higit na mabuti sa inyo kung kayo ay nananampalataya. At ako ay hindi itinalaga sa inyo bilang inyong tagapangalaga.”
قَالُوا يَا شُعَيْبُ أَصَلَاتُكَ تَأْمُرُكَ أَنْ نَتْرُكَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا أَوْ أَنْ نَفْعَلَ فِي أَمْوَالِنَا مَا نَشَاءُ ۖ إِنَّكَ لَأَنْتَ الْحَلِيمُ الرَّشِيدُ
Sila ay nagsabi: “o Shuaib! Ang iyo bang mga pagdalangin ay nag-uutos na aming talikdan ang sinasamba ng aming mga ninuno o kaya ay aming talikuran ang nais naming gawin sa aming ari-arian. Katotohanang ikaw ay matiisin at may tamang pag-iisip!” (Ito ay sinasabi nila ng may panunuya)

Choose other languages: