Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #80 Translated in Filipino

يَا إِبْرَاهِيمُ أَعْرِضْ عَنْ هَٰذَا ۖ إِنَّهُ قَدْ جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَإِنَّهُمْ آتِيهِمْ عَذَابٌ غَيْرُ مَرْدُودٍ
o Abraham! Kalimutan mo ito (ang paninikluhod para sa kapakanan ng mga tao ni Lut). Katotohanan, ang pag-uutos ng iyong Panginoon ay naipalabas na. Katotohanang daratal sa kanila ang kaparusahan na hindi mapapasubalian
وَلَمَّا جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالَ هَٰذَا يَوْمٌ عَصِيبٌ
At nang ang Aming mga Tagapagbalita ay sumapit kay Lut, siya ay nalumbay sa kanilang salaysay at nakadama siya nang panliliit para sa kanila (na baka ang mga tao sa bayan ay lumapit sa kanila at gumawa ng sodomya sa kanila). Siya ay nagsabi: “Ito ay isang nakakahapis na araw.”
وَجَاءَهُ قَوْمُهُ يُهْرَعُونَ إِلَيْهِ وَمِنْ قَبْلُ كَانُوا يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ ۚ قَالَ يَا قَوْمِ هَٰؤُلَاءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطْهَرُ لَكُمْ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَلَا تُخْزُونِ فِي ضَيْفِي ۖ أَلَيْسَ مِنْكُمْ رَجُلٌ رَشِيدٌ
At ang kanyang mga tao ay dumating sa kanya na rumaragasa, at noon pa mang una, sila ay hirati na sa paggawa ng mabibigat na kasalanan (sodomya, atbp.), siya ay nag-alok: “o aking mga tao! Naririto ang aking mga anak na babae (alalaong baga, ang mga anak na babae ng aking lahi), sila ay dalisay para sa inyo (kung sila ay inyong pakakasalan ng ayon sa batas). Kaya’t pangambahan ninyo si Allah at ako ay huwag ninyong hamakin sa harapan ng aking mga panauhin! wala ba sa lipon ninyo kahit na isa, ang may matuwid na pag- iisip?”
قَالُوا لَقَدْ عَلِمْتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنْ حَقٍّ وَإِنَّكَ لَتَعْلَمُ مَا نُرِيدُ
Sila ay nagsabi: “Katiyakan na iyong ganap na batid na kami ay walang pagnanasa o pangangailangan sa iyong mga anak na babae, at tunay, na batid mo kung ano ang aming nagugustuhan!”
قَالَ لَوْ أَنَّ لِي بِكُمْ قُوَّةً أَوْ آوِي إِلَىٰ رُكْنٍ شَدِيدٍ
Siyaaynagsabi:“Sanaaymayroonakonglakas(omgatao na makakatulong) upang kayo ay aking magapi, o di kaya ay makapanangan ang aking sarili sa isang makapangyarihang tulong (upang mahadlangan kayo).”

Choose other languages: