Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #55 Translated in Filipino

يَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى الَّذِي فَطَرَنِي ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
“o aking pamayanan, ako ay hindi nanghihingi sa inyo ng pabuya sa (Mensaheng) ito. Ang aking pabuya ay mula lamang sa Kanya na lumikha sa akin. Hindi baga kayo nakakaunawa
وَيَا قَوْمِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُرْسِلِ السَّمَاءَ عَلَيْكُمْ مِدْرَارًا وَيَزِدْكُمْ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا مُجْرِمِينَ
At aking pamayanan! dumulog kayo tungo sa kapatawaran ng inyong Panginoon at magbalik loob kayo sa Kanya. Pamamalibisbisin Niya mula (sa alapaap) ang saganang ulan at daragdagan niya ng lakas ang inyong lakas, kaya’t huwag kayong magsitalikod na tulad ng Mujrimun (mga buhong, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).”
قَالُوا يَا هُودُ مَا جِئْتَنَا بِبَيِّنَةٍ وَمَا نَحْنُ بِتَارِكِي آلِهَتِنَا عَنْ قَوْلِكَ وَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ
Sila ay nagsasabi: “O Hud! Wala kang katibayan na inihantad sa amin, at hindi namin tatalikuran ang aming mga diyos dahilan lamang sa iyong pangangaral! At kami ay hindi maniniwala sa iyo
إِنْ نَقُولُ إِلَّا اعْتَرَاكَ بَعْضُ آلِهَتِنَا بِسُوءٍ ۗ قَالَ إِنِّي أُشْهِدُ اللَّهَ وَاشْهَدُوا أَنِّي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ
Ang amin lamang masasabi ay: ang ilan sa aming mga diyos (mga huwad na diyus-diyosan) ay sumakmal sa iyo sa kasamaan.” Siya ay nagsabi: “Tinatawagan ko si Allah na sumaksi at kayo ang makakapagpatotoo na ako ay malaya sa lahat ng mga itinatambal ninyong mga kasama (kaakibat) sa pagsamba
مِنْ دُونِهِ ۖ فَكِيدُونِي جَمِيعًا ثُمَّ لَا تُنْظِرُونِ
Sa Kanya (Allah). Kaya’t magbalak kayo laban sa akin, kayong lahat, at huwag na ninyong ipagpaliban (o bigyan ako ng palugit)

Choose other languages: